Mich Liggayu ng “Jamich” Nakatagpo Na Ng Bagong Mamahalin Matapos Ang Tatlong Taong Mawala Si Jam Sebastian

Dalawang taon na rin ang lumipas ng pumanaw ang youtube sensation na si Jam Sebastian ng “Jamich”. Ang “Jamich” na tambalan ay nakilala at sumikat sa youtube world dahil sa paggawa nila ng mga short film love story na talagang pinapanood at inaabangan ng kanilang mga taga suporta at tagahanga.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram




Marami nga ang nalungkot ng pumanaw ang youtube sensation na si Jam, lalo na ang kanyang ka partner at real girlfriend na si Mich Liggayu. Pero marami nga ang nagsasabi na sa mga taong minamahal natin na nawawala sa ating buhay ay may taong darting muli upang magbukas ng bagong pag-ibig, at ito ay nangyari nga kay Mich.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Makalipas nga ang dalawang taon mula ng pumanaw si Jam,muli ngang nakabangon na at nakapag move on na sa kanyang buhay si Mich Liggayu na kung saan din ay sa kanyang instagram ay ibinhagi niya sa pamamagitan ng isang kumpimarsyon na siya ay nasa panibagong pag-ibig na.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Hindi naman nagtagal ay ginulat at sinorpresa nga ni Mich Liggayu ang kanyang mga tagahanga ng mag-upload siya sa kanyang youtube channel ng isang video na may caption na “save the date”, na ibig ngang sabihin ay ikakasal na ang nasabing dalaga.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Sa video ng ibinahagi ni Mich ay una-unang makikita ang paglitaw ng isang engagement ring, makikita rin dito na si Mich ay pupunta sa tuktok ng isang burol na kung saan ay may isang lalaki na hindi ipina aninag ang mukha na panigurado ng lahat na siyang mapapangasawa ng dalaga.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Naging pribado nga sa madla at mga tagahanga ni Mich ang relasyon niya sa panibago niyang pag-ibig dahil kahit sa instagram ng nabanggit na dalaga ay hindi siya nagbabahagi ng anumang larawan ng kanyang bagong kasintahan.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Ang misteryosong lalaki na bagong karelasyon ni Mich ngayon ay nakilala na si Arran Phil Sese, na laging sinasabi ni Mich at tinatawag na the “Boss”. Katulad ng gawain nila ng dating kapartner at kasintahan si Jam, si Mich at ang kanyang Boss ay gumagawa rin ng mga shorts film.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Sa kasalukuyan naman ay muling sinorpresa ni Mich ang kanyang mga tagahanga ng muli ay magpost siya sa kanyang instagram ng kanyang larawan na kapansin-pansin ang baby bump. Hindi nga napigilan ng kanyang mga tagahanga ang mag-usisa at ang iba ay nagkomento upang kumpirmahin kung siya nga ba ay buntis, ngunit walang naging kasagutan ang dalaga sa mga komentong ito.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Ngunit sa kabila ng pananahimik ni Mic sa pagsagot sa mga komento kung siya ba ay buntis, ay makikita naman sa mga larawan na kanyang ibinagi ang pagpapatunay na siya nga ay nagdadalang-tao na.

Photo Credit: michliggayuofficial/Instagram

Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpa-abot ng congratulatory message para kay Mich na mababasa sa mga komento sa kanyang larawan na siya ay may baby bump. Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga tagahanga “Congratulations, Michelle!
“Yung mga nagtatanong if preggy daw ba hahahaha obvious naman di ba? Hahaha congratulation po”




Congrats ate pao[heart emoji]’m happy for you[smiley] God bless you po”
“wow, congrats ate mich. Who’s the dadi??”
“are you pregnant?”
Hindi nga maitago sa mga mensaheng ito ang kasiyahan ng mga tagahanga ni Mich sa kanyang pagbubuntis.
Congratulations! Mich Liggayu….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *