Michael V Sinorpresa Ang Kanyang Mahal Na Asawa Ng Isang “Debut Party”

Hindi biro ang buhay mag-asawa lalo na kapag may mga anak ka na. Pero ito ang hinahangad ng bawat isa sa atin; ang magkaroon ng makakasama sa iyong pagtanda. Ngunit, marami pa rin ang mga magkasintahang dati’y nagpalitan ng matatamis na salita sa simbahan ay nauwi sa mapait na hiwalayan. Ngunit, ano nga ba ang sikreto ng isang relasyon para ito’y tumagal ng panghabang-buhay? Simple lang, at ito ang ginawa ni Michael V., ang aktor at komedyante mula sa GMA sa kanyang asawa.

Photo Credit: @niceprintphoto/Instagram




Nito lamang ay nagdiwang sina Bitoy at ang kanyang asawang si Carol ng kanilang ika-25 na anibersaryo ng kasal. Kasabay nito ay ang ika-50 kaarawan ni Carol. Hindi simple ang naganap na okasyon dahil napaka importante nito para kay Michael at may naisip siyang surpresa. Ayon sa post ni Bitoy, hindi raw naranasan ng kanyang asawa na magkaroon ng “debut party” noong dalaga pa lamang ito kung kaya’t kahit 50 anyos na ang kanyang asawa, tinupad nito ang kanyang pangarap.

Photo Credit: @niceprintphoto/Instagram

Sa edad na 50, hindi mo akalain may 4 nang anak si Carol. Iyan ang karaniwang sinasabi ng mga taong nakakakita sa kanya sa personal. Ito na rin marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit nabighani si Bitoy kay Carol.  Idinaan naman ni Bitoy sa social media ang pagbati niya sa kanyang asawa.

“Bago matapos ang buwan, gusto ko lang balikan yung birthday party ni misis earlier this month. She just turned 50 pero kagaya ng sinasabi ng marami, ‘wala sa itsura.’ Kase sa totoo lang, considering 4 kids and all these years of putting up with me, hindi mo talaga iisiping 50 na s’ya. Hindi n’ya na-experience yung malaking ‘debut’ when she turned 18 kaya I made sure na kahit 32 years later, maihabol ko yung saya, yung thrill and excitement.

Successful naman! Dumating yung mga alam naming nagmamahal sa kanya ng totoo. Yung iba, malayo ang pinanggalingan; yung iba short notice pero they made sure na mai-celebrate ‘tong milestone na ‘to with her… Thank you sa inyong lahat!”
At bilang pangulo, ito ang kanyang sinabi.

“Kahit 25 years na tayong mag-asawa, alam kong marami pa tayong pagdadaanan. And it’s up to both of us how we’ll handle the rest of our married life. I just know it’s going to be a lot of fun because I know I’m spending it with you. I love you @ayoito ! Always have. Always will.”

Bilang isang lalaking may kasal na, hindi naiwasang matanong si Bitoy sa sikreto ng kanilang relasyon. Ayon kay Bitoy, katulad ng ibang relasyon, nagkakaroon raw sila ng mga hindi pagkakaunawaan. Normal naman daw ito sa lahat ng mag-asawa. Bagama’t hindi naman umabot sa puntong hiwalayan, nakikita raw nila ang pagkakaiba ng isa’t-isa. Huwag rin raw umaasang maging “smooth sailing” ang biyahe ng relasyon. Ngunit sa pagkakataong, makadanas sila ng kalmado ang dagat, dapat daw nilang i-cherish ito. Maliban pa rito, sinabihan rin ni Bitoy ang mga mag-asawa na dapat raw ay maging bukas sila sa isa’t-isa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *