Mikael Daez Ginulat Ang Ilang Netizens Sa Post Niyang Larawan Na Kasama Ang First Baby Girl Ng Kanilang Pamilya

ng sanggol ay isang biyaya na mula sa Diyos, kaya naman talagang itinuturing itong biyaya ng maraming pamilya lalo na sa kasiyahang naidudulot at hatid nito. Para rin sa karamihang mag-asawa ang pagkakaroon ng sanggol sa buhay, ang isa sa nagbibigay kulay sa pagsasama nila bilang mag-asawa at mas lalo pang nagpapatatag sa kanilang pagsasama.




Nito nga lamang nakaraan, ay nagbahagi ang actor-host na si Mikael Daez ng isang larawan nila ng kanyang asawang si Megan Young kung saan ay may karga-karga silang isang cute na baby.

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

Tila nais namang pag-isipin ni Mikaela ang ilang mga netzines at kanilang mga tagahanga, tungkol sa larawan dahil sa naging caption niya dito na;
“Surprise!!!! We have an ECQ Baby…”

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

Sa naunang salaysay nga niya sa kanyang caption ay talagang aakalain ng sinumang makakakita at makakabasa nito na ang baby girl na kasama nila ni Megan sa larawan ay anak na nilang dalawa.

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

Ngunit makikita naman sa katapusan ng caption ng actor-host, ang paglilinaw kung kanino baby ang karga nilang mag-asawa, at dito nga sinabi ni Mikael na ito ay pamangkin niya.
“A baby niece that is! [heart emoji], It’s our family first baby girl .

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

Marami ngang mga tagahanga at ilang mga netizens ang inakala na talagang anak na ng dalawa ang kasama nilang baby girl sa larawan, kaya naman ang iba ay nagbigay ng kanilang mga komento ng mapagtanto na pamangkin pala ito ni Mikael.

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

“Omg! I thought it was a baby announcement…My heart!…” “Akala ko pa naman ikaw na nanganak….” “ANO BA YAN MIKAELLA AT MEGAAAN GINULAT MO NAMAN KAMEEEEE HUHU kayo talaga pero cute huhuhuhu” “shuta akala ko inyo na hahahaha” “I almost fell for this….”

Photo Credit: mikaeldaez/Instagram

“Ahhhhh I almost assumed HAHAHA but was like ‘it can’t be yet’ hahahaha”
Samantala, sa kanyang social media account ay nagbahagi rin si Megan Young ng larawan na kung saan ay karga-karga rin niya nag naturang baby girl, ngunit sa caption nito ay agad niyang sinabi kung kaninong baby ito.

” We met our niece Lucia today [emoji] swipe to the last photo to see Mikael’s kilig-oh-my-gosh-a-baby-face.”

Sa isang post naman ni Mikael ay sinabi nito na hindi nila minamadali ng asawang si Megan Young ang pagkakaroon ng anak, dahil kung ibibigay umano sa kanila ang biyayang ganito, ay mangyayari rin ito sa tamang panahon.

“Last na toh! But yeah, baby Lucia is just too cute. Boneezy looks good with the baby as well #ahemahem but on a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen.”




Nakaka-excite nga naman talaga ang magkaroon ng isang baby, kaya naman talagang hindi mapigilan nina Mikael at Megan ang malibang at matuwa sa baby girl na pamangkin ng aktor.

Makikita naman natin sa mga komento ng mga tagahanga nina Mikael at Megan na ang mga ito ay inaabangan ang pagkakaroon ng anak ng dalawa, ngunit tulad nga ng sinabi ni Mikael darating din ang tamang panahon, na ang pagkakaroon ng sarili nilang baby ay ipagkakaloob sa kanilang mag-asawa .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *