Miles Ocampo Kristel Fulgar At Sharlene San Pedro Ay Hindi Nagpahuli Sa Dalagang Pilipina Challenge

Marami nang nauusong gawain sa social media. Buhat ito ng mga kantang tumatak sa ating mga Pinoy na talaga namang kinagigiliwan natin. Ang iba’y sinasayaw natin, at ang iba ay ginagawa na lamang ng aksyon. Naging daan ang social media upang maibahagi ng iba’t-ibang mga tao ang mga nakakatawang videos nila.




Isa sa mga nag-viral na challenge ngayon sa social media ay ang “Dalagang Pilipina Challenge.” Ang “Dalaga” ay kanta ng pananakit na si Allmo$t. Sumikat ito dahil sa mga videos na ginagawa hindi lamang ng mga “dalagang Pilipina” kundi pati na rin ng mga “binatang Pilipino.” Madali lang naman ang dapat gawin ng mga nagnanais gumawa ng challenge na ito, magnovideo lamang sila ng kanilang sarili at magpapacute sa camera habang tumutugtog ang kantang “Dalaga.”

Marami na ang gumawa ng challenge na ito at marami na rin ang mga videos na nag trending. Pero hindi lang mga ordinaryong mga Pilipino ang gumawa nito dahil pati na rin mga kilalang artista at personalidad ay ginawa na rin ang Dalagang Pilipina Challenge. Isa sa mga nag-trending sa social media ay ang Dalagang Pilipina challenge ng mga dating child star ng Goin’ Bulilit na sina Kristel Fulgar, Miles Ocampo at Sharlene San Pedro.

Ibinahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang Facebook account ang video ng kanilang Dalagang Pilipina Challenge. Maraming mga netizens ang naaliw sa kanilang ginawa. Makikita sa video na unang gumawa ng challenge si Kristel na todo ang pagpapa-cute sa camera habang tumutugtog ang kanta.

Tila busy naman ang kanyang mga kasama sa kwarto sa kani-kanilang mga gawain. Ngunit kalaunan napansin ng kanyang mga kasama ang ginagawa ni Kristel at doon na nga sumunod sina Miles at Sharlene sa nagpapacute sa harap ng camera.
Hindi mapigilan ng mga netizen na maalala ang kabataan ng ngayo’y mga dalaga na at isa nang ganap na mga magagaling na aktres sa industriya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *