Miriam Quiambao May Bonggang Blessings Na Natanggap Bago Matapos Ang Taong 2020

Bago matapos ang taong 2020, ay isang biyaya pa ang natanggap ng beauty queen-actress na si Miriam Quiambao sa kanyang buhay.




“I’m Positive”, ang say ni Miriam, na talaga namang hindi maitago ang sayang nadarama ng ibandera niya, na ang miyembro ng kanilang pamilya, ay muli ng madaragdagan, dahil ipinagbubuntis niya na ngayon ang magiging pangalawang baby nila ng kanyang asawa.

Photo Credit: miriamq888/Instagram

Ang masayang balita ngang ito ay ibinalita ni Miriam, at ng kanyang asawang si Ardi Roberto, na isang Inspirational Speaker sa kanilang latest vlog, nito lamang nakaraan.
Ayon nga sa ulat, ng gawin ng mag-asawa ang naturang video vlog, ay nasa 8-weeks and six-days, pregnant na ang TV host at Miss Universe 1999 first runner up.

Photo Credit: miriamq888/Instagram

“Amidst all the bad news that marked 2020, grabe ‘tong 2020, we wanna end this time with a high note, a happy note”, ang naging simulang pahayag ng asawa ni Miriam na si Ardy.
“Thanks God kasi meron Siyang naging surprise for us before Christmas actually”, saad naman ni Miriam.

Photo Credit: miriamq888/Instagram

Dito na nga masayang ibinalita ng beauty queen actress, ang kanyang pagbubuntis sa magiging ikalawang baby nilang mag-asawa. Kung saan ayon sa kanya, ay nakumpirma nila ang pagbubuntis niya, bago pa man ipagdiwang ang kapaskuhan.

Photo Credit: miriamq888/Instagram

“Were now excited to shre with you the great news, that I’m positive – not coronavirus, but I’m positively pregnant!”, ang masayang pahayag nga ni Miriam.

Photo Credit: miriamq888/Instagram

Ayon pa nga kay Miriam, hindi talaga nila inaasahan ang biyayang ito, dahil ang totoo, ay ipinagdarasal at plano pa lamang talaga nila ang sundan na ang kanilang panganay na anak.

Hanggang sa nito nga lamang buwan ng Nobyembre, ay napansin ng beauty queen-actress, na delayed na ang kanyang monthly period.

Wala rin umanong masyadong sintomas siyang naramdaman na maaring magpahiwatig sa kanya na siya ay buntis na.

Hindi umano nakaramdam si Miriam ng pagsusuka, o kahit ung naramdaman niya noon sa pagbubuntis niya sa kanyang panganay na anak na “tenderness of breast”, ay hindi rin niya naramdaman.

Saad nga ni Miriam, ang tangi lamang niyang napansin ay ang madalas niyang pagkaramdam ng pagod, na tila nais niya lamang matulog lagi.

“Pero ang napapansin ko, para akong laging hapong-hapo, parang lagi akong pagod, feeling ko tamad ako, parang gusto ko lang matulog”, ani Miriam.

“Tapos hindi naman ako nagsusuka. By God’s grace, kahit kay Elijah hindi ko naramdaman ‘yung pagsusuka na ‘yun. So walang indication except for the missed period”, dagdag na kwento pa ni Miriam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888)

Nakatakda naman ang prenatal test ni Miriam sa susunod na linggo, at ayon sa kanya, ay malalaman na rin nila sa panahong iyon, kung baby boy o baby girl ba ang magiging kapatid ng panganay nilang si Elijah.




Matatandaan na ang panganay na anak nina Miriam at Ardi, na si Elijah ay isinilang noong ika-16 ng Pebrero taong 2019, at ito ay makalipas nga ang apat taon nilang paghihintay na mabibiyaan sila ng anak.

Ang mag-asawang Miriam Quimbao at Ardi Roberto, ay ikinasal sa Tagaytay, noong buwan ng Marso taong 2014.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *