Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo Nagtungo Sa Tuguegarao Upang Kumustahin At Mamahagi Ng Tulong Sa Mga Residenteng Nasalanta Ng Bagyo

Sa naging pagdiriwang ng ika-24 taong gulang na kaarawan ng bagong hirang na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo, na tubong Iloilo City, ay ang naging pag-launched din nito ng kanyang “donation drive”, na para umano sa mga kababayan natin sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagong Rolly at Ulysses.




Makikita sa Instagram account ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, ang kang yang post bago pa man ang araw ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

“Tomorrow will be my 24th birthday but I cannot be fully happy knowing some victim some victims of Typhoon Rolly and Ulysses have nothing to eat or wear.”

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

“To all Ilonggos, I’m asking for your support in my donation drive in my birthday in any kind. In the darkest moment, don’t be afraid to be a helping hand to those who needed in the most.”

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Matapos ang kanyang kaarawan at pag-launch ng kanyang ginawang donation drive, ay agad kang lumipad patungong Tuguegarao City, Cagayan si Rabiya. Kung saan ay personal niyang kinamusta at inabutan ng tulong ang mga residente doon na labis na nasalanta ng bagyo.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Matatandaan na ang Tuguegarao City sa Cagayan ang isa sa mga lubhang nalubog sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, kung saan ay marami sa ating mga kababayan doon ang binaha ang mga tahanan, at halos walang naisalba sa kanilang mga kagamitan.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

“One day. Four different towns. Same goal. One heart”,ang isa pa ngang caption ni Rabiya sa kanyang IG post, na sinasabing maliban nga sa Tuguegarao, ay may tatlo pang bayan sa Cagayan ang kanilang napuntahan at nabigyan ng mga relief goods.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Para naman sa lahat ng nagbigay donasyon para sa ginawang “charity effort’ ni Rabiya, ay isang malaking pasasalamat ang mensahe ng beauty queen para sa mga ito.




Ayon pa sa Miss Universe Philippines 2020, umabot sa Php250,000, ang nalikom na donasyon ng kanyang ginawang “donation drive.”

Dagdag pa nito, matapos ang pagbabahagi ng mga relief packs sa mga probinsya, ay susunod naman nila ang mga bayan at lungsod sa Manila, na nasalanta rin ng bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *