Miss Universe PH’s Rabiya Mateo, Beatrice Gomez at Celeste Cortesi Ibinandera Ang Kagandahan Sa Kanilang Disney Inspired Shoot

Muling ibinandera ng mga nagagandahang Miss Universe titleholders na sina Rabiya Mateo, Beatrice Luigi at Celeste Cortisi ang kanilang kagandahan ay kaseksihan nito lamang nakaraan sa ginawa nilang fashion photoshoot.




Ayon nga sa lumabas na ulat ang mga nagagandahang larawan ng mga beauty queens ay kinunan ng mahusay at popular na photographer na si BJ Pascual, kung saan ang tatlo ngang nagagandahangbeauty queen na sina Rabiya, Bea at Celeste ay nakasuot ng silver at gold na outfit na tila hinango sa mga fictional characters.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Sa larawan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ay makikita nga na inilalarawan nito si Ariel ang bidang karakter sa Disney movie na “The Little Mermaid.” Kalakip nga ng magandang larawan ng beauty queen ay ang kanyany caption na;

Photo Credit: beatriceluigigmz/Instagram

“Life isn’t a fairytale but everyone deserves their happy ending.”
Samantala si Beatrice Luigi naman na hinirang na Miss Universe 2021 ay inilarawan ang pagiging si Belle na bidang karakter naman sa Disney movie na “The Beauty and The Beast”, kung saan nilagyan naman niya ito ng quote na, “You don’t have time to be timid. You must be bold and daring!”

Photo Credit: celeste_cortesi/Instagram

“A dream is a wish your heart makes,” Ito naman ang nasa caption ng larawan ng bagong hirang lamang na Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi na ang inilalarawan naman sa ginawa niyang photoshoot ay ang pagiging si Cinderella na isa ring Disney character.

Ayon sa ulat, ito nga ang kauna-unahang pagkakataon na ang tatlong Miss Universe titleholders ay nagsama para sa isang napakagandang photoshoot. Sila nga ang mga nagwagi ng nasabing titulo bago pa nga nakuha ang franchise ng Miss Univese Philippines Organization noong taong 2019.

Matatandaan na si Rabiya Mateo ay ang hinirang na Miss Universe Philippines taong 2020 kung saan talaga namang maraming kumwestyon sa kanyang pagkapanalo noon dahil sa napakabaguhan lamang niya sa pagsabak sa beauty pageant. Si Beatrice Gomez naman ay hinirang na Miss Universe Philippines noong taong 2021 kung saan siya ang kauna-unahang kandidata ng nasabing beauty pageant ang umamin ng patungkol sa pagiging miyembro niya ng LGBTQ community.




Samantala si Celeste Cortesi naman ay ang hinirang na Miss Universe Philippines para sa taong ito ng 2022, at siya nga ang magiging representante ng bansa para sa international pageant kung saan ay marami nga ang umaasa na maiuuwi ng dalaga ang korona at titulo at magiging ika-5 nga siyang Filipina na magiging Miss Universe title holder.

Leave a Reply

Your email address will not be published.