Miyembro Ng Dating F4 Na Si Ken Chu Dumaraan Pala Ngayon Sa Matinding Pagsubok

Naalala nyo pa ba ang dating F4 na kinabibilangan ng apat na nag-gagwapuhang mga Thai Actor na sumikat at naging Popular sa Pilipinas dahil sa kanilang Taiwan series na Meteor Garden?




Matatandaan na taong 2000’s ng naging popular ang F4 ng hit series ng “Meteor Garden” na sina Vanness Wu, Vic Zhou, Ken Chu at Jerry Yan, hindi lang sa kanilang bansa sa Taiwan, kundi maging sa bansa ng Pilipinas, kung saan ay talagang hinangaan at minahal sila ng mga tagahanga nilang Pinoy.

Image Credit via Google

Halos nasa dalawang dekada na nga ang nakararaan mula ng ipalabas sa Pilipinas ang ‘Meteor Garden’, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pilipino ang orihinal na F4 na kanilang nakilala, at marami nga sa mga Pinoy ang nais malaman kung kamusta na ang bawat miyembro nito.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga miyembro ng F4 ay si Ken Chu na mas kilala natin sa kanyang karakter noon sa Meteor Garden bilang si Meizuo.

Image Credit via Google

Noong unang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon, ay ipinagdiwang ni Ken Chu ang kanyang ika-40 taong kaarawan, at ng siya ay makapanayam ay ibinahagi ng Taiwanese actor kung ano na ang buhay na meron siya ngayon. “Back then, I wasn’t happy when I was part of F4. I simple wasn’t happy regardless of what I did.”

Image Credit via Google

“But now I can do whatever I want in terms of music or other aspects, and it feels great!’ Matatanda na taong 2016 ng ikasal si Ken Chu sa Chinese actress na si Vivian Han, at magmula nga ng sila’y ikasal ay sa Beijing, China na naninirahan ang Taiwanese actor, at doon niyaa na rin inumpisahan mag-aral sa University of International Business and Economics.

Image Credit via Google

Samantala, noon ngang ika-23 ng Setyembre ay nakapagtapos na si Ken Chu ng kanyang pag-aaral at na kumpleto na niya ang kanyang degree na retail management sa nasabing University, ito ay matapos niyang magbahagi ng kanyang mga larawan na kuha mula sa naging kaganapan sa kanilang University Graduation.

Image Credit via Google

Sa naging panayam rin kay Ken, ay isa sa mga naging katanungan sa kanya, ay kung mayroon na ba silang plano ng kanyang asawa na magkaroon ng anak, at ang naging kasagutan nga ng dating F4 member ay; “I could ignore the fact that I have fibromyalgia and just try to have a kid, but it would be fair to my child if he or she was born with my condition.”

Image Credit via Google

Base nga sa naging kasagutan ni Ken Chu, ay inamin ng aktor na siya ay may kondisyong F*bromy*lgia, kung saan isa itong disorder na nangangahulugan ng s*kit ng kalamnan at nag-uugnay na tissue. Kadalasan rin ang mga taong may ganitong karamdaman ay nagkakaroon ng matinding pagkapagod, pagka gambala sa pagtulog, pagkawala ng mas mataas na pag-andar ng isip, at minsan pa nga ay pabago-bago ng mood.

Image Credit via Google

Inamin rin ni Ken Chu na dahil sa kanyang kondisyon ay dumaan siya sa depression, at dahil dito ay kinailangan niyang bawasan ang kanyang mga trabaho, para mas lalo pa niyang ma-manage ang kanyang kondisyon. Ibinahagi rin ng dating F4 member, na siya ay sumasailalim ngayon sa treatment, 3 hanggang 4 beses kada linggo.




“I think I’m blessed to have been able to go treatments, three to four times a week to manage my condition. I can also think about accepting it and thriving in spite of it.” Dahil din umano sa kanyang kundisyon ay nagkaroon ng dagdag sa timbang si Ken, at hindi nga maiwasan na mapansin ito ng ilang mga tao.

Image Credit via Google

Naranasan din umano ni Ken na kutyain, dahil nga sa naging pagdagdag niya ng timbang, sanhi nga ng kanyang kundisyon. Sa ngayon ay wala pa ang lunas sa kundisyon na F*bromy*lgia, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si Ken Chu na balang araw ay magkakaroon rin ng lunas o magiging gamot sa kundisyon na meron siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *