Modeling Skills Ni Nadine Lustre “Approved” Sa Super Model Na Si Tyra Banks

Si Nadine Lustre ay kilala sa industriya ng showbiz bilang Multi-media Princess dahil na rin sa kanyang pagiging Grand Slam Best Actress, bankable recording artist, total performer, makeup mogul, fashion and beauty trendsetter, top brand endorser at sought-after cover girl.

Photo Credit: mega_magazine/Instagram




Marami ang talagang humahanga sa natural na gandang Pinay ni Nadine. Ilan pa nga sa talagang hinahangaan ng marami sa kanya ay kanyang pagiging confidence, authenticity, at ang napakaraming talento na taglay niya na talaga namang makikita natin sa mga pagkakataong lumalabas siya sa telebisyon o pelikula.

Photo Credit: mega_magazine/Instagram

Bilang isang modelo at covergirl ay ilang beses na ring pinatunayan ni Nadine ang kanyang natural na ganda at galing sa pag-pose sa harap ng camera.

Photo Credit: mega_magazine/Instagram

Ilan sa mga katangian niya bilang modelo at covergirl na talagang nagpapakita ng kanyang ganda ay ang pagkakaroon niya ng morenang kulay ng mga balat na tumitingkad sa tuwing tatamaan ng sikat ng araw, ang kanyang kaakit-akit na tindig at pangangatawan at ang pagbibigay niya ng kakaibang presensya kapag siya ay nasa harap na ng camera.

Photo Credit: mega_magazine/Instagram

Kung titignan nga naman sa bawat pictiorial photos ni Nadine ang kanyang mga posing sa harap ng camera tunay nga naman na binigyan niya ng buhay ang cover ng fashion magazine na Mega Magazine para sa kanilang Making MEGA in Rio.

Photo Credit: mega_magazine/Instagram

Talaga namang litaw na litaw ang ganda ni Nadine sa tatlong cover na ito na kanyang ginawa.

Si Dookie Ducay ang photographer ang naglabas ng behind the scene video na kuha sa MEGA shoot, na kung saan ay makikita ang iba’t ibang at kahanga-hangang pose ni Nadine.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang magandang reaksyon at komento sa photoshoot na ito ni Nadine sa twitter at isa nga sa tweet na ito ay iti-nagged pa sa Super Model na si Tyra Banks kung saan ay nakalagay na.




“Wow!!! Fierce pang America’s Next Top Model @tyrabanks.” Ibinigay naman ng Supermodel na si Tyra ang kanyang seal of approval sa galing na ipinakita ni Nadine sa kanyang pagiging isang modelo sa pamamagitan ng pag-like nito sa tweet!

Sa inyong palagay dapat na bang sumali si Nadine Lustre sa America’s next Top Model o kaya naman ay sa iabng international modelling competition?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *