Moi Bien Ipinasyal Ang Kanyang Mga Followers Sa Napakagandang Hilltop Resort House Ng Kanyang Boss Na Si Piolo Pascual

Isa sa mga kinaiinggitan ng marami ngayon ay ang komedyanteng si Moi Bien o mas unang nakilala bilang personal assistant ng aktor nna si Piolo Pascual. Sino ba naman ang hindi maiinggit kay Moi Bien, eh madalas nga niyang nakakasama ang gwapong aktor na kinahuhumalingan at pinapantasya ng marami.




Samantala, kamakailan nga lamang ay nagbigay kaasiyahan at aliw si Moi Bien sa kanyang mga followers ito ay matapos nga niyang ipasyal ang mga ito sa napakagandang hilltop resort ng amo niyang si Piolo Pascual sa pamamagitan nga ng isang video vlog.

Image Credit via YouTube

Sa nasabing vlog ay makikita nga na kasama ni Moi Bien ang aktor na si Piolo Pascual o mas kilala bilang si Papa P. Ipinakita nilang dalawa ang iba’t ibang bahagi ng hilltop resort, kung saan ay mapapansin nga na may mga bahagi pa ito na patuloy pa ang ginagawang konstraksyon.

Image Credit via YouTube

Ayon kay Papa P, kasalukuyan ginagawa sa kanyang property ang isang outdoor dining space at view deck kung saan mula nga sa mga ito ay matatanaw ang isang napakagandang beach at ang kalapit na isla nito. Makikita rin sa nasabing view deck ang ilan sa mga muwebles na gawa ng paboritong artists ni Papa P at ang ilan naman ay mula umano sa mga lugar na kanyang nabisita.

Image Credit via YouTube

Talaga namang napaka-hands on ni Papa P pagdating sa pagpapaganda pa lalo ng kanyang property. Pagbabahagi pa nga ng aktor, ang ilan sa mga disenyo ng landscape sa kanyang garden ay mismong ideya niya. Tila naman talagang nahihilig na rin si Piolo ngayon sa pagtatanim dahil may makikita ngang vegetable nursery sa property nga niyang ito.

Image Credit via YouTube

Ipinakita rin nga ni Papa P sa vlog na ito ang mismong bahay niya kung saan ay mayroon nga siyang gym area na talaga namang kumpleto sa mga gym equipments. Mula nga gym ay maari namang makapunta sa bar kung saan ay mayroon ding napakagandang view na matatanaw.

Video Credit YouTube

Nagbigay pasilip nga rin ang aktor sa kanilang family room, na ayon nga sa kanya ay sa area na ito maaring makapag-relaks ang kanyang pamilya. Naging agaw-pansin nga rin sa kanilang pag-iikot sa naturang bahay ng aktor ang isang espasyo kung saan naman makikita ang mga naging awards ni Papa P.




Sa kabila nga ng pagiging simple ng tahanan na ito ng aktor, ay bakas naman sa ngiti ni Papa P na siya ay kumportable sa paninirahan dito. Tunay naman kasing nakakarelaks ng lugar dahil sa ganda ng tanawin na nakapalibot dito, kaya kahit sino nga ang bumisita rito ay siguradong mabibighani din at makakapagrelaks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.