Moira Dela Torre Ibinahagi Na Nakitira Siya Noon Sa Condominium Ng Aktor Na Si Sam Milby

Kamakailan lamang sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga ay nakapanayam nito ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre. At sa panayam nga na ito ay naibahagi ni Moira, ang naging paninirahan niya noon sa condo unit ng aktor na si Sam Milby.




Ayon nga kay Moira, nagsisimula pa lamang siya noon sa showbiz, ng magmagandang loob ang aktor na pansamantala siyang patuluyi sa condo nito.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ng singer-songwriter na hindi niya makakalimutan ang kabutihan ng aktor sa kanya, lalo na noong tamaan siya ng matinding depresyon.

Image Credit via Google

“Not a lot of people know about this, na when you where starting, tumira ka sa bahay ni Sam, di ba sa condo?, ang naging tanong nga ni Toni kay Moira.

Image Credit via Google

Dagdag pa nga ni Toni, una umano niyang narinig si Moira kay Sam, dahil lagi umano nitong pinupuri si Moira na napakahusay kumanta. Saad pa nga ni Toni, kay Sam din niya narinig na si Moira ay nanirahan sa kanya noon.

Image Credit via Google

Ikinuwento naman ni Moira kung paanong napunta siya sa poder ni Sam at nakitira nga noon sa aktor. Dagdag pa ng singer-songwriter, kapatid na ang turing ni Sam sa kanya.
“At that time I am going through something. My depression was really bad. He didn’t want me to be alone” ani Moira.

Image Credit via Google

Chika pa ni Moira, dahil sa pareho silang walang pamilya ni Sam Milby, na itinuturing nga niyang kuya, ay silang dalawa ang naging pamilya. Nang manirahan din siya sa aktor, ay masasabi nga niya na napaka-protective nito.

Image Credit via Google

Nagtungo si Moira sa Manila noon, mula sa kanilang probinsya para mag-aral ng kolehiyo sa College of St. Benilde, kung saan noong mga panahon din na ‘yun ay hiwalay na nga ang kanyang mga magulang.

Naging malapit nga sina Sam at Moira sa isa’t isa, dahil sa pareho rin silang talent ng Cornerstone Talent Management.

Kwento pa ni Moira, isa sa mga hindi niya malilimutan na ineregalo sa kanya ni Sam Milby, ay ang isang mamahaling gitara, na ibinigay nga nito sa kanya noong panahon na hindi pa talaga sila close.

Marami na nga sa atin ang nakababatid na isa na si Moira ngayon sa mga popular at sikat na singer-songwriter.




Samantala, dahil sa malayo na ang narating ni Moira sa kanyang singing career, ay isa si Sam sa mga naging masaya para sa singer-actress. At matatandaan nga na noong makapanayam si Sam, ay sinabi nito kung gaano siya kasaya sa success ni Moira sa career nitp ngayon.

“I can’t explain how happy I am kung saan siya ngayon. Lahat ng success na nangyayari sa kanya ngayon”, ani Sam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *