Moira Dela Torre Ipinahayag Ang Kaligayahan Dahil Ang Kanyang Matalik Na Kaibigan Ang Kanyang Nakatuluyan At Hindi Ibang Tao

Sa kanyang instagram post ay nagbahagi ang Kapamilya singer na si Moira Dela Torre ng isang larawan nila ng kanyang asawang si Jason na may kalakip na sweet na mensahe para sa kanyang asawa. Dito ay nakapaloob kung gaano siya nagpapasalamat at gaano siya kaswerte na ang kanyang bestfriend (si Jason) ang kanyang napangasawa at hindi ibang tao na dumaan na sa kanyang buhay.

Photo Credit: moirarachelle/Instagram




Sa mensaheng ito rin ipinahayag ni Moira kung gaano mapagmahal at masuporta sa kanya ang kanyang asawa kaya naman wala na siyang mahihiling pa kundi ang ipagpasalamat ang bawat sandali na ito ay kasama niya sa kanyang buhay.

Photo Credit: moirarachelle/Instagram

“You never discourage my growth, nor do you ever look down on me for my shortcomings. You tell me every day, ‘I see who you are today, and I cannot wait to love who you will become tomorrow’ – may it be a good day or a bad one.

Photo Credit: moirarachelle/Instagram

Every morning, I look at you and I thank God that it never worked out with anyone else before because I don’t think anyone else would have to loved me as greatly as you do. I’m so happy it’s you.” Ang mensahe ng kalakip ng larawan na ibinahagi ni Moira sa kanyang IG account.

Photo Credit: moirarachelle/Instagram

Matatandaan nga na noong unang buwan ng nakaraang taon, January 2019 ng magpakasal ang matalik na magkaibigang Moira at Jason. Isang payapa at puno ng pagmamahal na kasalan ang naganap sa pag-iisang dibdib ng dalawa, na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan naging saksi sa kanilang pagmamahalan.

Hindi naman malilimutan ang mga salitang binitawan ng dalawa ng sila ay magpalitan na ng sumpa ng kanilang pag-ibig sa isa’t-isa. Si Moira ay hindi napigilan na balikan ang kanyang nakaraan na kung saan pakiramdam niya ay wasak ang kanyang pagkatao pero dahil sa pananampalataya at sa pagkatao niya ng tunay na pagmamahal ay naging buo siyang muli.

Narito ang naging mensahe ni Moira noong araw ng kanilang kasal. “I remember praying for the first time, asking God why my family was suddenly broken. I felt like it was my fault. And with all the friendships and relationships I had since, I always felt the need to manipulate my way around it so that I wouldn’t mess up and I wouldn’t be left behind again,” saad ni Moira.

“But I also remember two moments when I felt like I’m most pursued by God. First, the day I recommitted my life to Him; the same day He restored my faith and healed me. And the second, the day you came, “Thank you for showing me how it feels to be pursued in a way that honors God.” Ayon pa sa singer.

Eto naman ang naging kasagutan ng Groom na Jason para kay Moira.
“I am far from the man you deserve. Ang daming pagkakamali. Ang daming pagkukulang. But seeing you here right now, ikaw ‘ang greatest reminder of God’s grace in my life na I don’t deserve pero binigay niya.”

Video Credit via YouTube




Isa nga namang kahanga-hangang kwento ng pag-ibig mayroon ang mag-asawang Jason at Moira, kaya naman para kay Moira sa kabila ng mga pangit na pangyayari sa kanyang buhay ay si Jason na kanyang asawa ang isa sa nagbalik ng ganda sa buhay niya pati na rin ang magkasama nilang pananampalataya sa Diyos na Lumikha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *