Mommy D Nagdiwang Ng Kanyang Ika-70 Na Kaarawan

Ang isang ina, maliban sa pagiging haligi ng tahanan, ay isang bagong kagamitan upang hubugin ang kanyang mga anak para lumaki ang maayos. Sila ang karaniwang tao sa likod ng tagumpay ng kanyang asawa at kanilang mga anak. Bagama’t nasa bahay lamang sila, sila ang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan hindi lang ng bahay kundi pati na rin ng bawat miyembro ng pamilya habang ang ama ang nagbibigay ng pangangailangan ng pamilya. Ang mga ina rin ang karaniwang pagdidisiplina sa mga anak nila.




Kaya naman tayong mga anak, ginagawa natin ang lahat para masuklian ang lahat ng paghihirap na ginawa ng ating magulang para sa atin lalo na ang ating ina. At syempre, utang na loob natin sa kanila ang pagpapalaki nila sa atin ng maayos at sa abot ng kanilang makakaya.

At ito ang isinukli ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang ina na si Mommy Dionisia Pacquiao. Nitong nakaraan lamang ay nagdiwang si Mommy D ng kanyang ika-70 na kaarawan. Bagama’t simple lamang ang handaan, makabuluhan at madamdamin naman ang mensahe ni Pacman para sa kanyang ina. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, binati ni Pacman ang kanyang Mommy D.

“Mom, I can’t put into words how much you mean to all of us! All the hard work and selflessness to get us to where we are today. Happy 70th birthday Mommy D.”
Maliban kay Pacman, binati rin ni Jinkee Pacquiao, manugang ni Mommy at asawa ni Pacman, ang kanyang manugang sa pamamagitan pa rin ng kanyang Instagram account.
“Happy 70th birthday Mommy D. We love you so much. God bless you more!”

Bumati rin ang mga kilalang personalidad kay Mommy D. Naganap ang simpleng selebrasyon sa mansyon ng pamilya Pacquiao sa General Santos City. Nakilala si Mommy D dahil sa kanyang mga kakaibang reaksyon sa tuwing lalaban ang kanyang anak na si Manny sa boksing.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *