Mommy Dionisia Ipinasilip Ang Kanyang Bahay Sa General Santos City

Si Mommy Dionisia o mas kilala nating lahat bilang si Mommy D, ay ang ina ng ating Pambansang Kamao at hinahangaang senator ngayon na si Sen. Manny Pacquiao. Marami sa atin ang talagang bumilib sa suporta na ibinibigay ni Mommy D sa kanyang anak na si Manny, at kung paano nito ipinapanalangin lagi ang anak sa tuwing ito ay nakikipag bakbakan sa ring bilang isang boksingero.

Image Credit via Google




At bilang ina ng isa sa pinakatanyag na boksingero sa buong mundo, ay marami na rin ang nakakakilala kay Mommy D at naging inspirasyon din siya sa ilang mga ina kung paano susuportahan ang kanilang mga anak sa hilig o gusto nitong karera sa buhay ng mga ito.

Image Credit via Google

Marami sa mga tagahanga ni Mommy D ang nais masilip ang loob ng tahanan niya sa General Santos, kaya naman ito ay pinagbigyan ng ina ng ating Pambansang Kamao.

Image Credit via Google

Ipinasilip ni Mommy Dionisia ang kanyang bahay sa General Santos City, ang lungsod sa Mindanao kung saan ipinanganak at lumaki ang ating Pambansang Kamao at ngayon ay Senador na si Senator Manny Pacquiao.

Image Credit via Google

Noong Pebrero 28, sa vlog ng kanyang daughter-in-law na si Jinkee Pacquiao asawa ni Manny ay ipinakita ni Mommy D ang loob ng kanyang tahanan at ilan sa kanyang mga koleksyon.

Ilan sa mga ipinakitang koleksyon ni Mommy D,ay ang kanyang mga koleksyon ng sapatos, pigurin, tiket ng mga laban ni Manny, mga naggagandahang tableware at mga laruang kotse.

Makikita nga naman sa vlog na ito ni Mommy D, kung gaano karami ang kanyang mga sapatos na ibat iba ang uri at disenyo na nakasalansan ng maayos sa isang lagayan.
Ang kanyang mga koleksyon naman ng tableware ay nakalagay ng maayos sa isang kitchen cabinet.




Kasama rin sa mga ipinakitang koleksyon ni Mommy D, ay ang ilang mga lumang gamit nila noon na nagpapaalala sa kanya ng kahirapan na pinagmulan ng kanilang pamilya, lalo na ang paghihirap na naranasan ni Manny at ng mga kapatid nito.

Ayon pa kay Mommy D, sa mga koleksyon niya na ito na mga lumang gamit nila noon, ay naaalala niya rin ang mga sakripisyo na kanyang sinuong upang magpalaki ng malusog ang kanyang mga anak kahit pa nga ba sobrang hirap ng kanilang pamumuhay ng mga panahong iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *