Mommy Divine Kamusta Na Kaya Matapos Ang Naganap Na Matteo-Sarah Wedding

Isang talent manager na nagngangalang Wowie Roxas o mas kilala bilang si Daddie Wowie ang nagkaroon ng pagkakataon na makilala ng personal ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

Image Credit Via Google




Si Mommy Divine ay ang ina ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo, na naging kontrobersyal dahil sa pagtutol niya sa pagpapakasal ng kanyang anak sa nobyo nito na isang actor/model na si Matteo Guidicelli.

Image Credit Via Google

Ang pagkikita ng ito nina Mommy Divine at Daddy Wowie ay nangyari noong gabi ng March 10 sa isang restaurants/store sa Mindanao Avenue, Quezon City na pagmamay-ari ng mga Geronimo.

Image Credit Via Google

Si Daddy Wowie ay ang manager ni Joaquin Domagoso, ang anak ni Isko na mainstay ng “All-Out Sunday” ng GMA 7. Siya rin ang mentor-discoverer ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Daddy Wowie ay nahiya siya na magtanong kay Mommy Divine ng tungkol kay Sarah, ngunit nakita raw niya sa mga mata nito ang bakas ng kalungkutan. Ibinahagi din ni Daddie Wowie sa Cabinet Files na bumilib siya sa sipag ng ina ng Pop Star Princess, dahil nagagawa nitong magtinda ng mga gulay na mula sa mga pananim sa farm ng mga Geronimo.

“Mga fresh na gulay ang tinitinda ni Mommy Divine. May mga kalabasa, kamote, radish….”
“Nagtitinda rin siya ng suka sa pwesto nila sa Mindanao Avenue” Ayon kay Daddy Wowie ay first time niyang mameet si Mommy Divine.

“First time ko na ma-meey si Mommy Divine, dahil isinama lang ako ni Joy”, ang tinutukoy ni Daddy Wowie ay si Joy Alonzo na manager ng singer na si Martin Nievera. Saad pa ni Daddy Wowie ay si Mommy Divine talaga at ang kaibigan niyang si Joy ang magkakilala dahil regular itong bumibili ng mga gulay kay Mommy Divine at maging ang mga taga Asap ay bumibili rin.

Nagawa rin ni Daddy Wowie na magpakuha ng litrato kasama si Mommy Divine, ayaw pa nga sana pumayag nito ngunit napilit din niya.”Ang sabi niya huwag kong i-post, pero nagpost pa rin ako” Ayon pa kay Daddy Wowie ay talagang humanga siya sa galing mag sales talk ni Mommy Divine.

Para pa kay Daddy Wowie ang nakita niyang pagiging negosyante ni Mommy Divine ay patunay umano na hindi totoo ang mga haka-hakang umaasa lamang kay Sarah ang pamilya niya.




Matatandaan naman na magmula ng pumutok ang kontrobesiyang pagwawala umano ni Mommy Divine sa reception ng Secret Christian Wedding nina Sarah at Matteo noong February 20 sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, ay hindi na nakita pa si Mommy Divine ng Publiko.

Nanatili ring tahimik si Mommy Divine sa mga kaliwat kanang mga batikos na natanggap niya. Ang larawan nga nina Mommy Divine at Daddy Wowie, ang unang beses na muling nasilayan ng publiko si Mommy Divine matapos ang naging kontrobersyal na pagpapakasal ng kanyang anak na si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *