Mommy Eva Ibinahagi Kung Anong Ugali Mayroon Ang Daughter-In-Law na Si Mariel Rodriguez Padilla

Marami sa atin ang binibigyang halaga at importansya na kapag tayo ay nakipag relasyon sa taong mahal natin at makakasama habang buhay ay kinakailangan makuha natin ang loob ng magiging mga In-laws natin lalo na ang Father/Mother-In-Laws.




Malaki ang parte ng mga in-laws lalo na pagdating sa pagsasama ng mag-asawa, kaya naman talagang ginagawa ng babae at lalaking magkarelasyon na makuha ang blessing ng mga ito bago ang pagpapakasal.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Kinakailangan rin na sa mag-asawa, kung paano nila mahalin at respetuhin ang kanilang mga sariling magulang ay gaanon rin ang maging pagmamahal at pagrespeto nila sa kanilang mga in-laws upang mas maging magaan ang kanilang pamumuhay.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Isa sa mga Mother-In-Laws ngayon ang maibabahagi kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng daughter-in-law.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Si Eva Cariṅo-Padilla, ang ina ng Kapamilya action star na si Robin Padilla ay maluha-luha ng ibinahagi kung gaano kabuti at mapagmahal ang kanyang daughter-in-law na si Mariel Rodriguez.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Ayon kay Robin, ay swerte siya sa pagkakaroon ng asawa na tulad ni Mariel, dahil napakamagpamahal nito sa pamilya. Maging sa kanyang ina na si Mommy Eva, ay talagang inaalagaan at minamahal ito ni Mariel na parang sarili nitong ina.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Sa isang social media post ni Robin, ay ibinahagi nito kung paano siya nagpanic ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina.

Photo Credit: evacarinopadilla/Instagram

Akala umano ng action star ay emergency call ito mula sa ina, dahil umiiyak ito ngunit yun pala ay nais lang nitong sabihin sa akin kung gaano ako kaswerte sa aking asawang si Mariel.

“Tinawagan ako ni Ermats ko kahapon ng tanghali @evacarinopadilla at siya ay umiiyak, nabigla ako at nerbyos.”

“Pero wala naman pala emergency kundi gusto daw niya malaman ko na love na love daw niya ang asawa ko.”

Ibinahagi rin ni Robin sa kanyang post kung paano naging maalaga at matulungin si Mariel sa kanyang ina, ng samahan niya ito na magbanyo sa gitna ng isang birthday celebration.
“Inabutan daw si ermats ng pag-ihi, pero naurungan daw siya kahit sasabog na nag kanyang pantog dahil parang marumi na ang toilet sa dami ng bisita na gumamit nito.”

At ayon pa nga kay Robin, ay si Mariel ang sumama sa kanyang ina sa banyo. At upang makapag-banyo ng maayos ang mother-in-law ni Mariel ay nilisan muna nito ang toilet bowl bago niya ito pinapasok.




“Sinamahan ni Mariel sa cr at nilinis ang cr pati ang toilet bowl na nilagyan ng tissue ang bawat inches ng uupuan niya.” Nakakahanga naman ang ganitong pagtrato at pag-aalaga ni Mariel sa kanyang Mother-in-law na si Mommy Eva.

Kaya naman pala touch-na-touch si Mommy eva at mangiyak-ngiyak pa na tumawag tumawag at sabihin kay Robin kung gaano niya kamahal si Mariel dahil sa ipinapakita rin nitong pagmamahal sa kanya bilang pangalawang ina nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *