Mon Confiado Proud Na Ibinahagi Ang Kanyang Mga Larawan Kasama Ang Napakagandang Hollywood Actress Na Si Olivia Hultgren

Ang mga Pinoy ay kilala dahil sa pagiging talentado at mahuhusay sa anumang larangan, katulad na lamang ng ating mga kilalang aktor sa Phillipine showbiz industry, na hindi lamang sa sarili nating bansa maipagmamalaki ang kahusayan sa pagiging isang artista,




kundi maging sa ibang mga bansa na rin dahil sa kanilang ipinapamalas na kakayahan.
Isa na sa mga aktor ngayon na talagang hinahangaan dahil sa kanyang taglay na husay sa pagiging isang artista ay si Mon Confiado, na hindi lamang sa ating bansa ipinapamalas ang kanyang talento dahil maging sa mga international movies, ay nakikilala na rin ang husay nito.

Image Credit via Google

Mas lalong nakilala ng publiko ang pagiging mahusay na aktor ni Mon Confiado, ng gampanan niya ang karakter bilang Emilio Aguinaldo sa historical films na “Heneral Luna” at Goyo: Ang Batang Heneral”.

Image Credit via Google

At dahil nga sa pagiging isang mahusay niyang aktor, ay nagkaroon ng pagkakataon si Mon Confiado na mapabilang sa mga international movies, kung saan ay naging isang malaking karangalan para sa kanya ang makipagsabayan sa mga Hollywood stars tulad na nga lamang ng ubod sa gandang American actress na si Olivia Hultgren.

Image Credit via Google

Nakasama ni Mon, ang Hollywood actress na so Olivia sa pelikulang “Stateside”, kung saan sa pelikulang ito ay ginampanan niya ang karakter ng isang lalaking natagpuan ang pag-ibig sa katauhan naman ng babaeng karakter na ginagampanan ni Olivia Hultgren.

Image Credit via Google

Sa pelikula ngang Stateside, ay ipinakita pa lalo ni Mon sa kanyang mga tagahanga local at maging internasyonal ang kanyang husay bilang isang aktor, samahan pa ito ng tambalan nila ng napakaganda at napakahusay na Hollywood actress na si Olivia Hultgren.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang, ay proud na ibinahagi ni Mon Confiado sa kanyang social media account ang kanyang mga ilang larawan, kung saan ay kasa-kasama niya ang kanyang naging katambal na Hollywood actress na si Olivia.

Image Credit via Google

Nilakipan naman ni Mon ang mga larawan na ito ng caption na;
“The very pretty and very professional leading lady of our film “STATESIDE” [USA Flag logo], Hollywood Actress Olivia Hultgren.”

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa pelikulang ito ng Stateside ng U.S na ipinalabas noong taong 2017, ay napabilang rin si Mon sa Korean film na “The Golden Holiday”, kung saan ngayon pa nga lang ay pinaghahandaan na ng aktor ang pagpapalabas nito.

Image Credit via Google

May nalalapit na naman ngang upcoming international American movie si Mon, ang “Turncoat” na ngayon ay pinagkaka-abalahan na ng aktor. Ayon kay Mon, ang Filipino-American Indie Film maker na si Marcial Chavez ang dirketor ng pelikulang ito, at ang Italian actress naman na si Annaluisa Capasa ang kanyang magiging katambal.

Nagbigay naman ng kaunting patikim ang Pinoy aktor sa magiging takbo ng istorya ng pelikulang “Turncoat”, kung saan ay kwento umano ito ng isang miln-mannered man na masaya at tahimik na namumuhay sa L.A kasama ang babaeng kanyang minamahal,

hanggang sa dumating ang araw na may misteryosong tao na nagsabi sa kanya na siya ay isang hitman na nakatalaga sa Manila. “Is this a case of mistaken identity or he has a story no one knows about? He must confront his violent past”, ang sypnosis pa ngang ibinahagi ni Mon.




Tila nga magiging kapana-panabik ang international movie film na ito ni Mon Confiado, at mas lalao pa ngang nagbigay ng intense ang pelikula ng ibahagi ni Mon ang isang larawan kung saan ay makikita na siya ay nagwe-welding ng baril.

Hindi naman ibinigay ni Mon ang eksaktong detalye kung kalian ipapalabas ang pelikulang “Turncoat”, ngunit sinigurado ng aktor, na magiging napakaganda at talagang kaabang-abang ang nasabing pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *