‘Money Bouquet’ Ang Naging Handog Ni Kapuso Comedian Kiray Celis Sa Kanyang Mga Magulang

Ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ay hindi lang para sa mga taong magkasintahan, kundi ito ay para sa lahat ng nagmamahalan, buong pamilya, anak sa kanyang mga magulang o kahit pa sa magbabarkada.




Marami nga sa atin ang nakasaksi kung paano bumubuhos ang kumpol ng bulaklak at chocolates tuwing Velentine’s day kaya naman talagang punong-puno ng mga surpresa ang araw na ito para sa mga taong nagmamahalan.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Samantala, maliban nga sa mga nag-iibigang magkasintahan, ay karamihan rin sa mga nakatanggap ng mga eapesyal na regalo sa Araw ng mga Puso ay ang ating mga magulang, dahil sa nais nating ipadama sa kanila ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa naging pag-aalaga nila sa atin.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Isa sa mga celebrity na binigyan ng espesyal na regalo ang kanyang mga magulang sa Araw ng mga Puso ay ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis. Bagama’t ‘money bouquet’ na tig 100 pesos bill ang ibinigay niya sa mga ito, ay humingi pa rin ng pasensya si Kiray sa kanyang mga magulang dahil sa ito lamang ang nakayanan niya.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Ibinahagi naman ni Kiray sa kanyang social media account ang larawan kung saan ay makikitang hawak-hawak ng kanyang nanay at tatay ang bugkos ng 100 peso bill na kinorteng bulaklak, na ipinagawa nga ng Kapuso comedienne.
Kalakip naman ng larawan na ito ay ang naging caption ni Kiray na;

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Happy happy Valentine’s Day, mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo.”
“Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pag-iintindi sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k na yan lahat.

Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko.”
Base nga sa naging caption ni Kiray, ay humihingi siya ng pasensya sa kanyang mga magulang dahil sa regalong ibinigay niya sa mga ito, na kanya lamang nakayanan. Nangako rin si Kiray,na sa susunod ay mas malaking halaga na, 1k peso bill na ang kanyang ipapagawang money boquet para sa mga ito.

Dagdag pa ni Kiray, ibabahagi niya sa kanyang YouTube channel ang kuwento sa likod ng money bouquet, at kung bakit ito ang kanyang naisip na iregalo sa kanyang mga magulang sa Araw ng mga Puso. Makikita rin umano sa YouTube channel niya kung ano ang naging reaksyon ng kanyang mga magulang ng i-abot niya ang money bouquet na handog niya para sa mga ito.

“AABANGAN NIYO TO SA VLOG KO! Mga reaksyon nila mama nung inabot sa kanila!”, chika ng ani Kiray.

Matatandaan na noong nakaraang Pasko, ay naging maka-beauty pageant naman ang dating ng regalo ni Kiray sa kanyang mga magulang, matapos niyang handugan ang mga ito ng sash na gawa sa 1,000 peso at 500 peso bills.




Maliban pa nga sa pa-Valentines niya sa kanyang mga magulang, ay ibinahagi rin ng Kapuso comedienne sa kanyang social media account ang larawan nila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia, kalakip ay ang naging pagbati niya dito ng “Happy Valentine’s Day.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *