Mula Noon Hanggang Ngayon Sweet Pa Rin Ang Mag-Asawang Manilyn Reynes At Aljon Jimenez

Ang pagmamahal ay isang pakiramdam na ibinibigay mo sa mga taong iyong minamahal at pinapahalagahan. Iba-iba rin ang uri ng pagmamahal na maaaring maramdaman ng isang tao nadyan ang pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan at kapwa at ang pagmamahal sa taong iyong makakasama at makakatuwang sa buhay.

Image Credit via Google




Kahit saan o sinong tao ay pwedeng magparamdam sayo ng pagmamahal ngunit isa sa pinakamahirap hanapin na pagmamahal ay ang pagmamahal na nagmumula sa taong iyong nakakatawang habang buhay na paka mamahalin ka ng wagas.

Image Credit via Google

Alam din natin na hindi lahat ng tao ay maswerteng magkatagpo ang tunay na pagmamahal mula sa taong pinili nilang makakapareha habang-buhay dahil ang iba ay iniiwan din sila o kaya naman ay niloloko o kaya ay sinasaktan kaya’t maswerte ang mga taong nakatagpo ng isang tao na pakamamahalin sila habang buhay sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa kanilang pagmamahalan.

Image Credit via Google

Ang aktres na si Manilyn Reynes ang isa sa mga taong maswerteng natagpuan ang kanyang tunay na pag-ibig sa lalaking tunay na nagmamahal sa kanya at ito ay ang kanyang asawa ngayon na si Aljon Jimenez. Matatandaan na si Manilyn at Aljon ay isa sa mga sikat na loveteam noong kanilang henerasyon na nagpapakilig sa mga kabataan noon sa tuwing sila ay mapapanood onscreen.

Ang pagiging magkaloveteam ng dalawa ay nauwi sa mabuting pagsasamahan hanggang sa mauwi nga ito sa kasalan. Marami ang nagtatanong kung kamusta na ang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa? at ang kasagutan ay makikita naman sa mga instagram post ni Manilyn.

Sa kanyang Instagram ay nagbahagi si Manilyn ng lumang larawan nila ng kanyang asawang si Aljon na kuha pa noong taong 1991 sa San Francisco sa Amerika. Kalakip ng mga larawan ay ibinahagi ni Manilyn na sa loob ng 3 dekadang pagsasama nilang mag-asawa ay nananatili pa rin umano sa kanilang pagsasama ang init at alab ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Ibinunyag rin ni Manilyn na hanggang ngayon sa tuwing silang dalawang mag-asawa ay matutulog ay magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Sa panahon natin ngayon ay bihira na nga naman sa mag-asawa ang makikita mo na magkahawak ang kamay kung gising, pag tulog pa kaya kaya’t napakaswerte nga naman ni Manilyn dahil bihira na lamang ang relasyon na mayroon silang dalawang mag-asawa ngayon.




Ang pagmamahalan nina Manilyn at Aljon ay mapapatunayan lamang na kahit pa may mga pagsubok na dumaan sa pagsasama ng mag-asawa at kahit na ilang taon na ang nakalipas ng sila ay kasal ay kailangan pa rin na panatilin ang mainit na pagmamahalan ng mag-asawa sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *