Mula Sa Isang Barong-Barong Na Bahay Ay Naging Konkretong Bahay Para Sa Pamilya Matapos Mag Topnotchers Noon sa Board Exam

Ilang taon na ang nakalilipas, ng umagaw sa pansin ng maraming mga netizens, ang isang barong-barong na bahay, na mayroong nakasabit na tarpaulin, na may nakalagay na “Top 2.”




Tunay nga namang inspirasyon ang naging hatid noon ng isang dalagang anak ng mangingisda, na dahil sa sipag, tiyaga at dediksayon sa kanyang pag-aaral, ay matagumpay na nakapagtapos sa kolehiyo, at ang pinakanakamamangha pa, ay nagawa nito na maging “Top 2”, ng kumuha ito ng Licensure Exam for Teachers (LET), noong taong 2015.

Image Credit via Google

At dahil ilang taon na nga ang nakararaan mula ng ito’y maging topnotcher, ay marami ang nais malaman, kung ano na ang naging pagbabago sa buhay nito ngayon.

Image Credit via Google

Sa ika-25th birthday ni Iah Seraspi, ang Top 2 noong September 2015 LET board exams, ay masaya nitong ibinahagi sa kanyang Facebook account ang naging pagbabago sa buhay niya at kanyang pamilya, mula ng siya ay makapagtapos ng pag-aaral at maging isa nan gang propesyonal na guro.

Image Credit via Google

Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Iah, matapos niyang makapagtaposng kolehiyo ay makapasa bilang isa sa mga topnatchers sa LET, ay agad siyang nakatanggap ng “job offer”, mula sa review center na malaki rin ang naitulong sa kanya, noong siya ay nagre-review pa lamang din para sa board exam.

Image Credit via Google

Sa nasabing Facebook post din ni Iah Seraspi, ay ibinahagi nito, na dahil sa kanyang naging tagumpay at pagiging isang propesyonal ng guro ngayon, ay natupad na niya ang pinapangarap niya maayos at kumportableng bahay para sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Hanggang sa ngayon nga umano ay hindi pa rin makapaniwala si Iah, na ang munti nilang barong-barong noon, ngayon ay isa ng kongkreto at kumportableng tahanan na masisilungan nilang magpamilya.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Iah, sa mismong lupa, kung saan nakatayo noon ang kanilang barong-barong na tahanan, nakatayo ang kanilang maayos at kongkreto ng bahay ngayon. At ngayon nga masasabi niya talagang malaki na ang pagbabago sa estado ng kanilang buhay, dahil sa kanyang natamong tagumpay, at ito rin ay naging posible sa tulong ng kanyang naging pananalig sa Poong Maykapal.

Ibinahagi rin ni Iah, sa kanyang naging post na isa sa kanyang mga naging pangako noong siya ay makapasa sa LET at maging topnotchers pa nga nito, na pipiliin niyang magtrabaho at magbigay lingkod sa CBRC (Carl Balita Review Center).

Kwento pa ni Iah, napaka-blessed niya na siya ay nakapagtrabaho sa CBRC, dahil sa hindi lang maayos na sahod ang kanyang natatanggap mula rito, kundi maging ang oportunidad na makarating sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Hindi rin umano niya pagsisihan na mas pinili niya ang magbigay lingkod sa CBRC, dahil sa ito ang isa sa mga naging daan upang matupad niya ang kanyang pangarap.




Para rin kay Iah, sa tuwing nasisilayan niya ang kanilang bahay na ngayon, ay lagi niyang naaalala na ito ang naging bunga ng lahat ng kanyang naging pagtiya-tiyaga at pagsusunog-kilay sa kanyang pag-aaral.

Sa pagtatapos naman ng post ng dalaga, ay ipina-abot nito ang kanyang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng CBRC (Carl Balita Review Center), na makatulong, maniwala, at makita pa ang mga bagay na kaya niyang gawin at abutin sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *