Mula Sa Kanyang Ipon Kiray Celis Binilhan Ng Bagong Motor Ang Kapatid Na Construction Worker

Isang sorpresa ang ibinigay ng komedyanteng si Kiray Celis sa kanyang nakatatandang kapatid nito lamang nakaraan. Noon nga lamang nakaraang ika-3 ng Oktubre ay masayang ibinahagi ng komedyante sa kanyang YouTube vlog ang naging pagbibigay sorpresa niya sa kanyang Kuya na isang construction worker.




Sa simula ay ibinahagi ni Kiray kung paano niya sosorpresahin ang kanyang nakatatandang kapatid. Ayon sa komedyanteng aktres, matagal na siyang kinukulit ng kanyang Kuya sa pangarap nitong motorsiklo, at ngayon nga na siya’y nakapag-ipon na ay nabili na niya ang nais nitong motor. Ibinahagi rin ni Kiray kung bakit ‘deserve’ ng kanyang kapatid ang mabigyan ng motor na noon pa man ay pangarap na nito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Ngayon, isu-surprise ko yung kapatid ko ng pangarap niyang motor. Ilang taon na niya akong kinukulit dito. Ang tagal na niyang sinasabi sa akin ‘to kaso nag-iion pa ‘ko para mabilhan ko siya ng motor.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

And this time nagawa ko na ang pag-iipon kaya bibilhan ko siya ngayon tapos pupunta tayo kung saan siya nagtatrabaho ‘yung Kuya ko para makita niyo at ma-explain ko mamaya sa inyo kung gaano ka-deserve ng kapatid ko na mabilhan siya ng ganitong klase ng motor”, saad ni Kiray sa umpisa ng kanyang vlog.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Nang marating ni Kiray ang lugar na pinagtatrabahuan ng kanyang Kuya sa Recto, ay agad ngang makikita sa ekspresyon ng kanyang Kuya ang kasiyahan nito ng makita ang dalang sorpresa ng kanyang kapatid para sa kanya.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Dahil sa sobrang kasiyahan ay hindi napagilan ng nakatatandang kapatid ni Kiray ang mayakap ang motor na sorpresa nga sa kanya. Ikinatuwa naman ni Kiray ang naging masayang reaksyon ng kanyang Kuya sa sorpresa niya para rito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“Sobrang ganda grabe! Grabe! Hindi ko in-expect ‘to na bibilhan ako ng kapatid ko”, ang naging pahayag naman ng nakatatandang kapatid ni Kiray.
Ayon nga kay Kiray, deserve ng kanyang Kuya ang pangarap nitong motor na kanya ngang binigyan ng katuparan. Dahil sa kabila ng pagiging isa niyang sikat na artista,

ay hindi ito umaasa sa kanya at masipag nga itong nagtatrabaho bilang isang construction worker para maitaguyod ang sarili nitong pamilya. Pagbabahagi pa ng komedyante, ang Kuya niya ay may anak ng dalawang babae, at kahit nakatira nga ito sa kanila ay hindi ito umaasa sa kanya, lalo na pagdating sa gastusin para sa mga anak nito.

Pag-amin naman ng Kuya ni Kiray, hindi niya ikinakahiya ang trabaho niya bilang isang ‘construction worker’ kahit na isang aktres ang kanyang nakababatang kapatid, dahil ang napili niya ngang trabaho na ito ay marangal.




Mensahe naman ni Kiray sa kanyang Kuya ay ang mas lalo pa itong magpursige at magsipag sa trabaho. At sana ay makatulong sa trabaho ng nakatatandang kapatid niya ang motor na ibinigay niya rito.

“So, sana makatulong ‘to sa trabaho mo, Kuya. Magpursige ka pa sa trabaho mo at mas maging masipag ka pa lalo” ani Kiray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *