Muling Inalala Ni JM De Guzman Ang Pagiging Magkaklase Nila Noon Ni Arci Muňoz Sa UP Diliman

Marami ang kinilig ng kumalat kamakailan lamang sa social media ang isang nakakakilig na post ni Arci Muňoz sa kanyang Instagram, kung saan nga ay nagbahagi siya ng video nila ng aktor na si JM De Guzman at nilakipan nga niya ito ng caption na “from bestfriends to lovers.”




Inakala nga ng marami na totoong natuloy na sa relasyon ang magandang pagkakaibigan ng dalawa, kaya naman humakot ang balitang ito ng napakaraming likes at komento mula sa publiko. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nagbigay update ang aktres na isang prank lamang ang kanyang naunang post.

Image Credit via Google

Pagdating nga sa pagkakaibigan, ay isa sina Arci at JM sa talagang hinahangaan dahil sa napakatibay ng kanilang samahan. Kaya naman nais malaman ng marami, lalo na ng kanilang mga tagahanga kung paano nga ba nagsimula ang isang magandang pagkakaibigan ng dalawa.

Image Credit via Google

Sa programang “Tonight With Boy Abunda” ni Tito Boy ay naging panauhin nga nito ang magkaibigang sina Arci at JM, at ng makapanayam nga ang mga ito ng TV host ay muling inalala ng dalawa kung paanong nagsimula ang kanilang magandang samahan noong mga panahon na hindi pa sila sumasabak sa showbiz at mag-kaklase pa lamang.

Image Credit via Google

Isang larawan nga ang makikita kung saan ay mapapansin na batang-bata pa at napaka-inosente pa nina Arci at JM, at ag larawan nga umanong ito ay kinunan taong 2005 kung saan ay magkaklase silang dalawa sa University of the Philippines.

Image Credit via Google

Kuwento ni Arci, noong una ay inakala niyang ‘gay’ si JM, ngunit ang maling akala niyang ito ay nawala ng sa paglipas ng taon nang makita nga niya ito na mayroong nobya.

Image Credit via Google

Ayon naman kay JM, madalas talaga siya napagkakamalan na gay ngunit pinagdiinan niya na alam niya sa kanyang sarili na siya’y isang tunay na lalaki.

Image Credit via Google

Samantala, ng alalahanin na nga ng magkaibigan kung paanong nagsimula ang kanilang samahan, ay sinabi ni JM na una niyang nakilala ang aktres bilang isang babaeng mahinhin, kaya naman kapag wala sa harap ng kamera si Arci ay nakikita niya rito ang totoong personalidad nito na mahinhin at mahiyain na una nga niyang nakita noong magkaklase pa lamang sila.

Dagdag pa ng aktor, ngayon ay talagang hinahangaan niya ang kaibigan dahil kapag ito’y nasa harap ng kamera ay isang mahusay at propesyonal na aktres ang kanyang nakikita.




Sa loob nga ng maraming taon ay nasubok na ang pagkakaibigan nina Arci at JM, ngunit sa kabila nga ng napakarami na nilang pinagdaanang dalawa ay nanatili namang matatag ang samahan nila.

Mula nga sa pagiging magkaklase sa UP, ay pareho ng nasa showbiz industry ngayon sina JM at Arci kung saan ay minsan na rin silang nagsama sa ilang proyekto, kagaya na nga lamang ng romantic-comedy na ‘Fool Show’ at ABS-CBN teleserye noon na ‘Pamilya Ko.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *