Muling Magpapakilig At Magsasama Sa Isang Proyekto Ang Tambalang Joross Gamboa At Roxanne Guinoo

Ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ay isa sa mga tambalan noon na naghatid ng kilig sa maraming mga manonood lalo na sa kanilang mga tagahanga. Ang kanilang tambalan ay nakilala bilang “JoRox”, kung saan ay nauwi rin ito noon sa totohanan nilang relasyon sa totoong buhay.




Matatandaan na sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest, unang nakilala ng publiko sa telebisyon sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Dito rin nagmula ang magandang pagtitinginan ng dalawa, na nauwi sa relasyon nila noong taong 2004, ngunit matapos ang dalawang taon, ay nauwi rin sa hiwalayan taong 2006.

Image Credit via Google

Kahit naman nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa, ay nanatili naman ang magandang pagkakaibigan sa dalawa. Taong 2018, sa isang episode ng longest-running drama anthology sa telebisyon na “MMK”, huling napanood ang tambalang Joross at Roxanne.

Image Credit via Google

Samantala, kamakailan nga lamang ay isang masayang balita naman ang inihatid nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, sa kanilang mga tagahanga dahil sa muli umano silang magbibigay kilig at saya sa kanilang mga tagahanga dahil sa magsasama ulit sila sa isang proyekto.

Image Credit via Google

Ang proyekto nang ito na pagsasama ng dalawa ay ang Kapamilya sitcom na “Hoy! Love You!!” na mapapanood sa IWant TFC Channel, na siguradong muling tatangkilikin at aabangang ng maraming mga manonood.

Image Credit via Google

Mas magiging kaabang-abang ito, dahil sa ito’y bibigyang buhay at kulay ng mga mahuhusay na aktor at aktres sa showbiz, na sina Dominic Ochoa, Carmi Martin, Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Casey Santos, Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Image Credit via Google

Ang mahusay na direktor na si Theodore Boborol ang nagbigay ng buhay sa sitcom na “Hoy! Love You, at ang producer naman nito ang subok at kilala ng si Linggit Tan-Marasigan.

Marami na nga sa mga naging tagahanga noon ng dalawa at mga netizens na manonood ang nag-aabang na sa nalalapit na pagpapalabas ng bagong sitcom na pagtatambalan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.




Panigurado naman na marami na naman ang kikiligin sa chemistry na muling ipapakita ng “JoRox”. Sa ngayon nga ay mayroon ng kanya-kanyang pamilya ang dating magkasintahan, at muling magbabalik tambalan na sina Joross at Roxanne.

Si Roxanne Ginoo ay matatandaan na ikinasal noong ika-23 ng Enero taong 2011 sa kanyang asawa na si Elton Yap, isang Filipino-Chinese, samantalang taong 2014 naman ng ikinasal si Joross.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *