Mylene Dizon Kinahihiligan Na Ang Pagtatanim Ng Mga Prutas Sa Kanilang Probinsya

Kakaiba nga naman sa pakiramdam kung ang iyong bakuran ay napapalibutan ng mga pananim na katulad na lamang ng mga halamang gulay at prutas, sapagkat hindi k lang makakatipid sa pagbili ng mga gulay sa palengke kundi masisiguro mo pa na ang iyong mga kinakain na gulay at prutas ay talagang sariwa dahil huhugutin mo lang ito sa iyong mga tanim.

Photo Credit: missmylenedizon/Instagram




Isa sa Mylene Dizon, sa mga aktres ngayon na nahihilig sa pagtatanim ng mga gulay, at halos lahat nga ng gulay sa kantang “Bahay Kubo” ay may tanim siya sa kanilang bakuran.
Libangan na rin umano ng aktres ang pagtitiis ng mga peste o insektong kumakain sa kanyang mga pananim.

Photo Credit: missmylenedizon/Instagram

“Actually may slight awa, cute sila ung maliliit na green caterpillar na kinakain ang pechay ko,” ayon sa aktres.

Photo Credit: missmylenedizon/Instagram

Ibinahagi din ng aktres ang kanyang nararamdaman ng natabunan ng abo na mula sa Bulkang Taal noong January 12 ang kanyang mga pananim na carrots.
“Nung binubungkal ko yung mga carrots na ganyan kaliit, ang feeling ko, nag-aabort ako ng baby. Kawawa naman siya…kailangan ko ng kunin. Sad because parang dalawang beses, tatlong beses ka lang makapag-ani”.

Halos lahat nga ng klase ng gulay sa awiting “Bahay Kubo” ay naitanim na ng aktres sa bakuran ng kanyang tahanan sa Silang, Cavite at ayon sa aktres ay nais niyang hikayatin ang lahat na magtanim ng mga gulay bilang food security.

“Sana kung maaari, kung mayroon tayong maliit na lupa lang na pwede nating pag taniman ng gulay, dapat nagtatanim tayo ng ating sariling gulay dahil iyan ay food security. Kahit anong mangyari, mayroon kang madudukot na pagkain.”

Ayon pa sa aktres ay matagal na siyang nagkaroon ng interes sa pagtatanim ng gulay, sa katunayan pa nga ay noong sa isang condominium pa siya naninirahan ay may mga tanim siyang gulay sa balcony ng kanyang condo unit.

 

View this post on Instagram

 

💔

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on

Dahil rin sa pagkakahilig ng aktres sa pagtatanim ng gulay, ay pumasok sa kanyang isipan ang magnegosyo at maging supplier ng mga gulay sa ilang lugar dito sa Pilipinas.

“I’d like to be able to supply vegetables to far away places. As a business. Kasi sa Palawan, walang gulay. Yung mga El Nido na iyan, they don’t have. They get it from Cebu, Manila.”
“If I can do that, why not? Inaaral ko siyang mabuti because I’m hoping that I can inspires others, more than anything…that anybody can grow anything”.

Ng tanungin naman si Mylene kung ano ang nakukuha niyang satisfaction sa kanyang pagtatanim ng mga gulay. “Knowing that, I’m able to produce something out of dirt. That I can make a food for the family or the challenge of it because it’s not easy.”

Sinabi rin ng aktres na mataas ang respeto niya para sa mga magsasaka, lalo na sa mga organic farmers dahil napakahirap umano maging isang organic farmer.




Ibinahagi din ng aktres na hindi siya gumagamit ng nga pesticides sa kanyang mga pananim, kundi gumigising talaga siya ng maagang-maaga para pigain isa-isa at tirisin ang mga peste sa kanyang mga halaman.

At dahil nga sa may mga gulay na inaani si Mylene sa kanilang bakuran, ay nagdadala at nagbabaon siya ng mga ito sa set ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” para ibahagi sa kanyang mga katrabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *