Mylene Dizon May Ibinahaging Kwento Kung Bakit Ayaw Niya Pang Magpakasal Kay Jason Webb

Ilan sa ating mga mithiin sa buhay ay ang maikasal. Ang pagpapakasal ay isang uri ng seremonya kung saan ipinahahayag mo ang iyong pagmamahal at katapatan sa iyong minamahal sa harap ng batas at sa mata Diyos. Sa oras na ikaw ay ikasal, may mga kaukulan ka nang responsibilidad sa iyong asawa na nakasaad sa batas. Kasama rin sa pagpapakasal ay ang pagkakatali mo sa iyong asawa.

Photo Credit: @missmyelenedizon/Instagram





Hindi katulad noong hindi pa kayo kasal na pwede kang mangaliwa at iwan na lang bigla ang iyong kasintahan, hindi mo na ito pwedeng gawin sa oras na ikaw ay makasal dahil may mga legal na kaso kang kakaharapin. Hindi pa rito kasama ang komplikasyon lalo pa kapag may anak kayo. Kaya naman, may mga tao talagang pinipiling huwag munang maikasal para mas maiwasan ang sakit ng puso at ng ulo kung sakali man.

Photo Credit: @missmyelenedizon/Instagram

Ito ang rason ng aktres na si Mylene Dizon nang maungkat ang kanyang buhay pag-ibig. Sa kasalukuyan, kasintahan niya ang assistant coach ng isa sa mga team ng PBA na Magnolia Hotshots Pambansang Manok na si Jason Webb. Bagama’t magkasintahan na sila sa loob ng anim na taon, mapapansin hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa.

Photo Credit: @missmyelenedizon/Instagram

Ayon naman kay Mylene, ayaw niya munang matalian. Sa katunayan, mas okay raw sa kanya ang ganitong sitwasyon dahil maaaring magtagal pa ang kanilang relasyon. Maliban pa rito, natuto na raw siya sa mga tao sa kanyang paligid. Amin ni Mylene, napapalibutan raw siya ng mga taong noong una lamang raw naging matagumpay ang buhay mag-asawa at sa huli ay magkahiwalay rin. Ayaw niya raw matulad siya rito.

Bagama’t ganito ang kanyang pananaw, alam niya rin namang marami ring mga mag-asawang maayos at matagumpay ang buhay bilang mga kasal na mga tao ngunit maayos na raw ang kaniyang kalagayan ngayon at wala raw siyang balak guluhin ito.
Hindi rin raw ganoon kasakit kapag nagloko ang iyong kasintahan dahil nga hindi kayo kasal kung kaya’t mas madali ang pagmomove on. May punto naman talaga si Mylene at kahit ano pa ang desisyon niya o nang kahit sinong tao, hindi dapat natin sila dinidiktahan kung ano ang kanilang dapat gawin sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *