Naaalala Niyo Pa Ba Ang TGIS Actor Na Si Dino Guevarra Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon.

Si Dino Guevarra ay isa sa mga teen actor noon na kasama sa youth-oriented show na TGIS noong 1990’s. Kasama niya rito ang iba pang teen artists noon na sina Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Angelu De Leon, Red Sternberg at Michael Flores.

Photo Credit: dinoguevarraross/Instagram




Sa show na ito ay ipinapakita ang kwento ng isang grupo ng mga magkakaibigan at ang kanilang mga paglalakbay, pagsasamahan sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay. Isa rin ito sa mga show na na talagang inaabangan ng mga manood noon sa telebisyon.

Photo Credit: dinoguevarraross/Instagram

1998 ng pumasok sa TGIS si Dino, ang kanyang naging karakter dito ay si David ang katambal ni Tere na ang gumanap na naman ay ang dating aktres na si Kim Delos Santos.

Photo Credit: dinoguevarraross/Instagram

Pumatok at kinakiligan nga nga mga manonood ang loveteam nina Dino at Kim, kaya naman ang loveteam nila ang isa sa mga sikat at popular na tambalan noon. Mas lalo pa ngang nakilala ang kanilang tambalan ng magsama sila sa pelikulang “Ikaw Lamang” noong 1999.

Photo Credit: dinoguevarraross/Instagram

Dahil nga sa laging magkasama sa tambalan nila sa mga pelikula ay hindi nga naging posible na mahulog sa isa’t-isa sina Dino at Kim. Umusbong ang pag-iibigan sa dalawa hanggang sa sila ay maging mag-asawa.

Photo Credit: dinoguevarraross/Instagram

Hindi naman nagtagal ang pagsasama nina Dino at Kim bilang mag-asawa dahil ayon sa isang artikulo na inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng mag-asawa noong 2003.

Taong 2003 din matapos ang naging balitang hiwalayan nila ng asawa, ay muling bumalik sa showbiz si Dino. Naging kalahok siya sa Kapuso reality show na “30, days” kung saan ang show na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga dating showbiz personalities na muling ibalik at buhayin muli ang karera nila bilang mga artista.

Nagwagi naman dito si Dino at nabigyan siya muli ng mga supporting roles sa mga serye sa Kapuso network, ngunit hindi rin nagtagal ang pagbabalik niyang ito sa industriya.

Taong 2008 naman ng mag file ng annulment ang dating TGIS actor upang tuluyan ng mapawalang-bisa ang naging kasal nila ng dati niyang asawa at katumbas sa mga pelikula na si Kim Delos Santos, at ito nga ay nagrant makalipas ang halos dalawang taon.




Paminsan minsan ay makikita pa rin na lumalabas si Dino sa telebisyon ngunit mas nagfofocus siya sa kanyang pamilya at pribadong buhay.Ngayon ay masayang namumuhay si Dino Guevarra kasama ang kanyang bagong minamahal at asawa na si Karen Gabriel at nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *