Naaalala Niyo Pa Ba Si AJ Dee Ang Kuya Ni Enchong Dee Heto Na Ang Buhay Niya Ngayon Matapos Iwan Ang Showbiz

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa aktor na si Enchong Dee? Isa siya sa mga gwapong aktor, na kinakailangan at hinahangaan ng maraming mga kababaihan.




Maliban pa nga sa taglay niyang kagwapuhan ay hindi rin maitatanggi ang galing ng aktor sa pag-arte, maging sa pagiging isang modelo kaya naman isa siya sa mga sikat at popular na aktor ng kanyang henerasyon.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram   

Hindi nga lamang si Enchong ang nag-iisang Dee na pumasok sa showbiz industry, dahil maging ang kanyang Big Bro ay naging isa ring artista.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram

Si AJ Dee, ang ang kuya ni Enchong na tulad niya ay may angking talent at karisma din bilang isang isang aktor. Marami ring mga manonood ang kanyang napahanga noon, at itinuring din siyang isa sa mga hunk actor ng kanyang kapanahunan.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram

Ngunit, ngayon ay mapapansin nga natin na hindi na lumalabas pa sa telebisyon ang kuya ni Enchong na si AJ Dee, ito ay matapos itong magdesisyon na iwanan na ang industriya ng showbiz.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram

Matatandaan naman na ang huling proyekto na ginawa ni AJ bago tuluyang lisanin ang showbiz, ay ng mapabilang siya sa serye sa isang hit TV series ng GMA-7 network at ito ay ang “Amaya”, na pinagbibidahan noon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Ayon nga kay AJ, ang pag-alis niya sa industriya ng kanyang kinabibilangan at minahal ng halos ilang taon ay sarili niyang naging desisyon.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram

Sa naging panayam noong taong 2015 kay AJ ng PEP. Ph, sa ginanap na press conference ng “Chicken Pork Adobo”, isang multi-channel network na inilabas ng ABS-CBN Digital Media Division ay ibinahagi niya ang totoong dahilan ng kanyang pag-alis sa showbiz.

Photo Credit: ajdeeiii/Instagram

Pinili umano ng aktor na iwanan ang industriya ng showbiz, dahil mas nais niya na makasama ang kanyang pamilya.

Ang asawa ni Aj na si Olga, at dalawa niyang anak na sina Maximus James at Alexandros Jaden, ay naninirahan sa bansang Norway kaya upang makapiling ang mga ito at subaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak at ginampanan niya ang pagiging isang mabuting ama, ay kailangan nang iwanan ang showbiz industry.




Bilang isang ama nga ay napakahalaga kay Aj na makapiling ang kanyang mga anak, lalong lalo na sa mga espesyal na okasyon at pangyayari sa mga buhay nito kaya naman kahit mahal niya ang kanyang trabaho bilang artista ay mas ninais nito na i give-up ang kasikatan dahil sa matimbang sa kanya ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

Ngayon, malayo man sa industriya ng kanyang minamahal ay masayang namumuhay si AJ Dee sa Norway, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *