Naaalala Niyo Pa Ba Si Nicole Dulalia Na Gumanap Bilang “Sha-Sha” Sa Super Twins Isa Na Palang Dalaga

Naalala nyo pa ba ang dating child star ng GMA network na si Nicole Dulalia? Kung saan ay mas kilala siya ng publiko bilang si Sha-sha ng “Super Twins”.



Si Nicole Dulalia o Maria Nicole Jeremiah Dulalia, ay ipinanganak noong ika-20 ng Oktubre taong 1997. Una siyang nasilayan ng publiko sa telebisyon ng siya ay maging kalahok sa segment ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines, kung saan ay nagwagi siya rito bilang second runner-up.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Bata pa lamang ay nais na talaga niya ang makapasok sa showbiz industry, kaya naman sinubukan rin niyang sumali sa Starstruck Kids noong taong 2014, ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa finals nito.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Kahit pa nga ba hindi pinalad si Nicole na nagwagi sa Starstruck Kids, ay hindi naman ito naging hadlang para hindi niya mapasok ang showbiz.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Matatandaan na noong taong 2005 ay kabilang si Nicole Dulalia, sa fantaserye ng GMA-7 na “Encantadia”, kung saan ay gumanap siya bilang ang batang si Danaya.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Dahil sa ipinakita niyang angking galing sa pag-arte, ay binigyan siya muli ng proyekto, kung saan ay gumanap naman siya bilang si Sha-sha sa “Super twins” noong 2007, at dito na nga siya naging popular at mas lalo pang nakilala ng publiko.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Maliban pa nga sa mga ito, ay marami pang ibang serye at proyekto ang kinabibilangan ni Nicole, tulad na lamang ng mapabilang siya sa pelikulang “Destined To Be Yours” nina Alden Richard at Maine Mendoza.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Huli naman nating nasilayan si Nicole Dulalia sa telebisyon ay noong taong 2018 sa “Magpakailanman.”
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Ngunit ano na nga kaya ang pinagkakaabalahan ni Nicole ngayon, at bakit hindi na ito masyadong aktibo bilang isang actress?
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Makikita sa Instagram account ni Nicole na maliban sa kanyang pagiging isang actress, ay abala rin ito sa kanyang vlog, kaya marahil ay hindi na ito masyadong aktibo sa showbiz ngayon.
Photo Credit: nicoledulalia/Instagram
Maliban nga sa vlogging, ay mahilig rin sa paglalaro ng sikat na online games na “Mobile Legends” ang dalaga.
Ilang mga larawan rin ni Nicole ang nagpapakita, na dalagang dalaga na ito ngayon kumpara sa hubog ng katawan nito noon, ay mas makikita sa dalaga ngayon ang pagiging balingkinitan ng katawan nito at mas lalo pang lumitaw ang ganda nito.



Makikita rin sa kanyang Instagram account na siya ay mayroon ng boyfriend, at ito ay kilala bilang si Kayne No Quiera.
Kung titingnan nga ang mga larawan sa Instagram account ng dalaga, ay makikita na madalas niyang kasama ang kanyang boyfriend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *