Naaalala Nyo Pa Ba Ang Football Star Phil Younghusband Ito Na Pala Ang Masayang Buhay Ngayon

Marami ang mga personalidad na tumatatak sa ating puso’t isipan, at ito ay sa pamamagitan rin ng iba’t ibang naging ambag nila sa lipunan. Katulad na lamang ng mga sikat at popular na artista, atleta, manunulat, pintor, pulitiko, o iba pa.




Madalas nga nating inaabangan ang bawat kaganapan sa buhay ng mga hinahangaan o iniidolo nating personalidad, kagaya na lamang ng mga bagay na tungkol sa kanilang career o love life.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

At minsan pa nga, kahit na iniwan na nila ang propesyon kung saan natin siya hinangaan, ay patuloy pa rin tayong nakikibalita kung ano ng bagong kaganapan sa buhay nila.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Kagaya na nga lamang ng dating atleta ng football na si Phil Younghusband, na dahil sa kanyang angking husay bilang isang manlalaro ay marami ang humanga sa kanya, kaya naman sa kabila ng ilang taon ng lumilipas mula ng magretiro siya bilang manlalaro ng football ay hindi pa rin siya nalilimutan ng mga taong humanga at umiidolo sa kanya.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Si Phil Younghusband, ay dating miyembro ng Philippine Azkals, ang national men’s football team ng ating bansa. Siya ay nakilala dahil sa kanyang husay at galing bilang isang manlalaro ng football. At dahil rin sa ipinamalas niyang galing, ay napili rin siya na mamuno sa kanyang koponan.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Matatandaan na isa si Phil sa mga naging dahilan sa pagkakapasok ng Philippine Football Team sa ika-111 na ranking sa FIFA world.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Ngunit sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera bilang isang manlalaro ng football, ay ginulat niya ang lahat ng i-anunsyo niya noong taong 2019 na siya ay magreretiro na sa paglalaro ng football.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Sa kabila nga ng pagbitaw ni Phil Younghusband sa kanyang career, ay makikita naman na masaya ang kanyang buhay ngayon, lalo nga’t nakabuo na siya ng kanyang sariling pamilya, na kanyang pagkaka-abalahan at aalagaan.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Noong ika-20 ng Hulyo taong 2019 ay ikinasal siya sa kanyang matagal ng kasintahan na si Margaret Hall, at ang kasalang ito ay naganap sa bansang England.

Photo Credit: philyounghusband10/Instagram

Noon namang nakaraang taon, ay nagbunga na ang pag-iibigan ng dalawa, at sana nga’y binigyan na ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan nilang si Philip James, alinsunod nga sa pangalan ng kanyang ama.

Sa Instagram account ni Phil, ay makikita ang mga masasayang larawan nilang magpamilya. Ang madalas niyang pakikipag-bonding at pag-aalaga sa kanyang anak at ang mga paglalakbay niyang mag-anak, sa iba’t ibang mga lugar o bansa.




Masasabi nga natin na sa kabila ng naging pag-iwan ni Philip ng kanyang magandang career bilang football player, ay naging kapalit naman nito ay ang labis na kaligayahan sa kanyang buhay kapiling ang kanyang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *