Naaalala Nyo Pa Ba Ang Orihinal Na Meteor Garden Na Si San Cai Heto Na Pala Ang Kanyang Naging Buhay Ngayon

Sino ba naman ang makakalimot sa “Meteor Garden” isang nakakakilig na foreign serye noon at magpahanggang ngayon.



Kung atin nang babalikan, Taong 2003 buwan ng Mayo ng unang ipalabas sa Pilipinas ang seryeng “Meteor Garden” nisang serye mula sa Taiwan na inere noon ng ABS-CBN.
Image Credit via Google
Hindi nga matatawaran ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy na manonood sa napakagandang seryeng ito, lalo na at talaga namang nakakakilig ang male group na “F4”, at syempre nakakapagpa goodvibes ang napaka-charming na si Shan Cai na ginampanan ng foreign actress na si Barbie Hsu.
Image Credit via Google
Dahil nga sa talagang nakakakilig at napakaganda ng serye, ay ilang mga bansa na din ang nagkaroon ng sariling version nito, na kung saan kahit nga paulit-ulit itong panoorin ay tila hindi magsasawa ang mga manonood dahil sa kilig na hatid ng seryeng ito.
Image Credit via Google
Ngunit nasaan na nga kaya ang una at orihinal F4 na ating sinubaybayan at ang gumanap na San Chai noon? At ano na nga kaya ang kani-kanilang pinag kaka-abalahan sa kanilang mga buhay ngayon?
Image Credit via Google
Ayon sa ilang artikulo, si Vanness Wu na gumanap noon bilang si Mei Zuo ay ikinasal na, habang noong taong 2006 naman ay abala si Ken Chu o gumanap bilang Xi Men sa kanyang ini-released na cookbook.
Image Credit via Google
Ang kilala naman natin si San Chai o Barbie Hsu sa totoong buhay ay ikinasal na rin at ngayon nga ay may dalawa na siyang anak.
Image Credit via Google
Ngunit sa edad ni Barbie Hsu na 42-taong gulang ay tila timeless ang angkin nitong ganda, dahil mula noon at hanggang ngayon na siya’y may asawa na ay napanatili nito ang pagiging fresh-young looking. At kahit pa nga isa ng ina, ay napaka slim pa rin ng pangangatawan nito, na tulad ng katawan niya noon.



Makikita nga sa mga larawan ni Barbie Hsu, ang angkin niya pa ring kagandahan ngayon.
Marami naman sa mga tagahanga ng Meteor Garden noon, ang nais ay muling masilayan na magsama-samang muli ang dating miyembro ng F4 at si Barbie Hsu sa isa na namang nakakakilig na serye.
Image Credit via Google
Nguni tang tanong ay kailan nga kaya mangyayari muli ito? Isa ba kayo sa mga nais ay muling masilayan sa telebisyon ag pagsasama nina Barbie Hsu at ng dating miyembro ng F4?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *