Naaalala Nyo Pa Ba Janina San Miguel Isang Dating Beauty Queen Heto Na Ang Buhay Niya Ngayon

Naalala nyo pa ba ang dating beauty queen na si Janina san Miguel? Isa siya sa mga naging usap-usapan ng publiko noon ng mag viral ang kanyang video na kuha sa Q&A portion ng Bb. Pilipinas World 2008.




Unang sumabak sa beauty pageant si Janina sa kanyang edad na 17-taong gulang , ng siya ay maging isa sa mga kalahok ng Bb. Pilipinas pageant taong 2008. Dito nga ang naging katanungan sa dalaga sa kanyang Q&A question ay tungkol sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Dito rin sa pageant na ito mas kilala si Janina dahil sa kanyang linya na “ I don’t feel any pressure right now.”

Image Credit via Google

Noon ngang Q&A ni Janina sa pageant, ay humingi ng paumanhin ang dalaga sa mga judges dahil sa kanyang incoherent answer at ipinaliwanag niya sa mga ito na, ito ang kauna-unahan niyang pagsali sa isang beauty pageant.

Image Credit via Google

Hindi naman inaasahan ni Janina, na sa unang pagkakataon na sumabak siya sa beauty pageant ay makakapasok siya sa Top 10.

Image Credit via Google

Sa kabila ng kanyang hindi pagwawagi ng korona, nakuha naman ni Janina ang puso ng mga judges at higit pa nga ito sa isang korona.

Image Credit via Google

Taong 2008 din ng i-relinquished ni Janina ang kanyang pangarap na korona, ito ay matapos yumao ng kanyang ama. Isa nga ito sa mga naging dahilan ng pag-give up niya ng kanyang pangarap maging beauty queen, at tuluyan na nga siyang lumayo sa limelight upang mamuhay ng simple kasama ang kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Sa isang panayam naman kay Janina ng CNA insider, ay ibinahagi niya dito na ang pageant industry ay puno ng mga “indecent proposals”.

“Nung nandun na kami, may nagsabi ng Php3 million for a one-night stand. ‘Yung Php25 million ano yun gagawin ka niyang girlfriend. Bibigyan ka niya ng condo, car, resort – lahat”, ang naging pasabog nga ng dating beauty queen.

Dito rin sa panayam niyang ito, ay sinabi ni Janina na hindi niya pinagsisihan ang naging desisyon niya na iwanan ang pageant industry at kalimutan ang kanyang dream na maging isang beauty queen, dahil mas importante umano sa kanya ang kanyang pamilya.

“Nakuha ko na ‘yung experience. But other than that, wala na. To tell you honestly, I was really not happy at that time. For me, much important kasi yung family ko rather that fortune and Fame”, saad nito.

Sa edad niyang 27-taong gulang ay mayroon ng asawa at anak ngayon ang dating beauty queen.

Taong 2014, ng ikasal si Janina sa isang Indian national na si Vishal Sahota, kung saan makikita nga sa isang larawan na kuha noon sa kanilang kasal na dumalo dito ang kanyang dalawang kaibigan na sina Jennifer Barrientos at Patricia Fernandez.




Ngayon kasama ang kanyang pamilya, ay masaya si Janina sa kanyang napiling simpleng buhay na malayo sa show business at glitz and glamour ng pageantry. Nagtatrabaho din ngayon ang dating beauty queen bilang isang call center agent sa isang multi-national company.

Kahit pa nga ba malayong-malayo na sa limelight ang buhay ngayon ni Janina, ay makikita pa rin sa iba niyang mga larawan na taglay pa rin nito ang kanyang kagandahan at galing sa pagdadala ng kanyang pananamit sa tuwing siya ay nag-aayos ng kanyang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *