Naaalala Nyo Pa Ba Si Maria Eliza Pineda Ang Gumanap Na Child Star Noon Sa Seryeng Flor de Luna

Ang batang actress na ito ay si Eliza Pineda o Maria Eliza Pineda na talagang tumatak sa maraming manonood noon dahil sa kanyang mala-anghel na mukha. Sa kanyang edad na 7-taong gulang noon ay naging parte na si Eliza ng ilang mga proyekto ng ABS-CBN shows.




Isa sa kanyang mga naging regular show noon na kinabibilangan ay ang Goin’ Bulilit, isa sa mga children gag show ng nasabing network.

Image Credit via Google

Ilan pa nga sa mga proyektong kanyang kinabibilangan sa ABS-CBN ay ang “Mga Anghel na Walang Langit, Kung Fu Kids at ang “Flor De Luna”, kung saan ito ang isa sa mga proyektong pinagbibidahan niya dahil sa pag-ganap niya bilang si Maria Flor De Luna.

Image Credit via Google

Kung ating babalikan, taong 2007 ng umere sa telebisyon ang seryeng “Flor De Luna”, at maraming mga kababayan nga natin ang talagang sumusubaybay at minahal ng seryeng ito dahil sa isa sa mga ugali nating mga Pinoy ay ang pagiging family-oriented natin at isa nga ito sa mga naging tema ng nasabing serye.

Image Credit via Google

Matapos na naman ang kontrata ni Eliza sa ilalim ng Star Magic company ay lumipat ito sa rival network GMA-7 Network kung saan ay isang anthology ng “Magpakailanman” ang una niyang naging proyekto rito. Gumanap siya bilang si Hanna sa istorya ng buhay ng aktres na si Kyline Alcantara.

Image Credit via Google

Mapapansin nga natin na hindi na madalas na lumalabas sa telebisyon o mga proyekto si eliza, ngunit magkaiba man ay nakatatak pa rin sa marami sa atin ang kanyang mga-anghel na mukha.

Image Credit via Google

Ngayon nga ay24-taong gulang na ang dating child actress ngunit taglay pa rin niya ang mala-anghel at inosente niyang mukha. May mga kumakalat din na usapin na plano ni Eliza ang maging modelo ng isang men’s magazine.

Image Credit via Google

May ilan naman na hindi natuwa sa usaping ito, pero suportado naman ang dalaga ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina at nasa tamang edad na rin ito upang magdesisyon ng mga bagay na nais niya para sa kanyang sarili.




Mula nga sa pagiging isang cute at mala-anghel na child actress ngayon ay tila isang bulaklak na namumukadkad sa ganda ang dalagang-dalaga na ngayon na si Eliza Pineda. Kaya naman hindi kataka-taka na maaari siyang ma-feature sa mga magazines.

Image Credit via Google

Patuloy pa rin naman ang pagbibigay ng updates ng dalaga sa kanyang buhay at ito ay makikita base sa mga post niya sa kanyang social media account. Ilang mga tagahanga rin niya ang kanyang mga naging followers niya ngayon sa kanyang Instagram account.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *