Naaalala Nyo Pa Ba Si Michelle Alfonso Ang Nag-Viral Noon Sa “Pabebe Girl” Video

Si Michelle Alfonso, ay isa sa dalawang kabataan na nakatikim ng panandaliang kasikatan, ito ay matapos nag-viral ang “Pabebe Girls” video nila ng kaibigan niyang si Janet Ricabo, noong buwang ng Hulyo taong 2015.




Matatandaan na ilang mga showbiz personalities pa nga ang nag-impersonate at gumawa ng parody ng “Pabebe Girls” nina Michelle at Janet, kabilang na rito sina Kim Chiu, Alex Gonzaga Maine Mendoza at Wally Bayola.

Image Credit via Google

Dahil nga sa pag-viral at pagsikat ng video na ginawa ni Michelle, kung saan ay kasama rin nito ang kaibigang si Janeth, ay nagkaroon sila ng pagkakataon na maging guest sa ilang mga programa sa telebisyon.

Image Credit via Google

Matatandaan na noon ay nag-TV guesting pa sina Michael at ang kaibigan nito, sa Kapuso Mo Jessica Soho, Rated K, ASAP, Celebrity Bluff, Tunay na Buhay, at Gandang Gabi Vice.
Samantala, isa sa mga talagang napansin ng publiko noon kay Michele sa video, ay ang hindi nito pagkakaroon ng makapal na kilay.

Image Credit via Google

Ngunit, dahilan rin ito upang maging biktima siya ng mga “bashers”, kung saan ay nakaranas siya ng pangungutya mula sa mga ito.

Image Credit via Google

Matapos naman ang ilang buwan ng pagkakaroon ng milyong milyong views sa kanilang nag-viral na video, ay bigla na lamang tumamlay ang balita tungkol sa “Pabebe Girl”.

Ngayon nga, makalipas ang halos limang taon ay muling nasilayan sa telebisyon si Michelle Alfonso. Ito ay noong ika-14 ng Nobyembre 2020, araw ng Sabado, matapos siyang mapabilang sa mga pagpipilian ng aktres na si Eula Valdes sa episode ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental.”

Marami naman sa mga televiewers, ang hindi agad nakilala si Michelle, ito ay dahil sa dalagang dalaga na ito ngayon, at higit sa lahat, ay kumapal na ang kilay nito,sa pamamagitan ng paggamit nito ng eyebrow pencil.

Noong naging popular ang “Pabebe Girls” at nasa edad 11-taong gulang pa lamang si Michelle, ay pangarap na talaga ang mag-artista, ngunit hindi ito natuloy, maliban na nga lang sa mga naging TV guesting nila noon.

Ayon sa naging panayam kay Michelle sa “Bawal Judgemental’ segment ng Eat Bulaga, ay sinabi nito na hanggang ngayon ay pangarap pa rin niyang makapasok sa showbiz, ito ay kung may taong nagma-manage sa kanya.

Ibinahagi rin ng dalaga, na nagpaplano siyang gumawa ng sariling YouTube vlog, kung saan ay umaasa siya na muling mauulit na tangkilikin ng mga tao, ang kanyang gagawing mga video, tulad noong panahon na nag-viral ang “Pabebe Girls”.

Inamin naman ni Michelle, na hanggang ngayon, ay sadyang manipis pa rin ang kanyang mga kilay, ngunit hindi na umano siya nagpapa-apekto sa mga taong nakababa-bash sa kanya.




“Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin”, ang naging saad nga ni Michelle. Buhay na buhay pa rin nga hanggang ngayon ang pangarap ni Michelle, na makapasok sa showbiz industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *