Naalala Niyo Pa Ba Ang Batang Nakilala Bilang Palikpik Sa Sineskwela Ito Na Pala Ang kanyang Naging Buhay Ngayon

Isa ka ba sa mga batang 90’s? Kung isa ka, marahil ay naging hilig mo rin noon ang manood ng mga educational Tv shows na inere ng ABS-CBN para sa mga kabataan.



Ilan nga sa mga hindi malilimutang educational Tv shows na inaabangan ng ating mga kabataan noong 90’s ay ang itinuturing na “School on Air” program na “Sineskwela”, kung saan ay isa itong tv programa na tungkol sa pag-aaral ng sensya.
Image Credit via Google
Matatandaan na ilan sa mga naging cast ng programang ito ay sina Winnie Cordero, Icko Gonzales, Roobak Valle, Brenan Espartinez at Christine Bersola-Babao.
Image Credit via Google
Maliban pa nga sa ating mga nabanggit na naging cast noon ng “Sineskwela”, ay may isang karakter pa sa nasabing programa ang tumatak sa mga batang manonood, at ito nga ay si “Palikpik”, na ginampanan naman ng child star na si Sheena Ramos.
Image Credit via Google
Ang karakter ni Sheena Ramos na si “Palikpik”, ay isang aquatic dwelling fish kid na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kung ano-anong mga bagay patungkol sa karagatan at sa mga lamang-dagat na maaaring makita rito.
Image Credit via Google
Nang matapos nga ang programang “Sineskwela”, ay marami ang nais malaman kung ano na ng aba ang nangyari sa child star? At kung nasaan na ba ito ngayon?
Image Credit via Google
Matapos ang “Sineskwela”, tulad ng ilang mga artista, ay sinubukan pa rin i-manage ni Sheena ang kanyang karera sa showbiz, dahil batid niya na malaki ang naging tulong sa kanya ng nasabing programa para mas lalo pa siyang makilala.
Image Credit via Google
Sa ngayon ay mapapansin nga natin na hindi na lumalabas pa sa telebisyon si Sheena Ramos, , ngunit sa kabila nito ay may magandang karera pa rin ito dahil siya ngayon ay nagtatrabaho bilang Digital Marketing Strategist ng TV5.
Image Credit via Google
Makikita naman sa buhay ni Sheena ngayon, na kahit hindi na siya kasing popular at sikat noong siya ay nasa Sineskwela pa, ay marami naman sa mga bagay na kanyang hilig ang kanyang nagawa. Ilan nga sa mga ito ay ang mag-perform sa teatro , at maging modelo ng iba’t ibang mga brands.
Kung bibisitahin naman natin ang Ig account ng dalaga, ay makikita na nahihilig din si Sheena sa pagta-travel, mapa-ibang bansa man ito o sa sarili nating bansa.



Marami naman sa mga tagahanga ni Sheena, ang natuwa ng malaman nila na sa kabila ng hindi na nito paglabas sa telebisyon ay naging maganda naman ang buhay at karera nito sa ibang larangan.
Sa henerasyon naman natin ngayon, ay marami sa mga magulang ang nagnanais na maiblik sa telebisyon ang mga education program tulad ng “Sineskwela”, dahil batid nila na mas kailangan ito ng kanilang mga anak, at mas may matututunan ang mga ito, kung mga ganitong programa ang kanilang mapapanood sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *