Naalala Nyo Ba Ang Batang Si Kal So Won Na Nagpa-Iyak Sa Buong Mundo Sa Pelikulang Miracle In Cell No. 7 Isa Ng Dalaga Ngayon

Si Kal So Won, ay isa sa mga South Korean child actress, na talagang namang umani ng popularidad mula ng siya’y mapanood sa “Miracle in Cell No. 7”, dahil sa kanyang ipinakitang husay sa pag-arte ng gampanan niya ang karakter sa nasabing pelikula.



Matatandaan na taong 2013, ng inilabas ang “Miracle in Cell No.7”, kung saan ay isa ito sa mga pelikula ng South Korea na talaga namang maging blockbuster hindi lang sa kanilang bansa, kundi maging sa buong mundo.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Isa sa mga dahilan kung bakit naging popular ang pelikulang ito, ay dahil sa nakakaantig na kwento nito, na kung saan ay maraming mga manonood ang talagang napaluha nito.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Talaga namang tumatak sa puso ng mga manonood si So Wong ito ay dahil sa kanyang ipinakitang husay sa pag-arte sa nasabing pelikula. Isa rin ang pelikulang ito sa naging daan upang siya ay mapabilang sa mga naging nominado bilang “Best New Actress” at “Best Actress” sa Grand Belle Award.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Pitong-taong gulang na lamang moon is So Wong, ng siya ay mapabilang sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7”, ngunit magkaganoon man ay naipakita niya pa rin ang kanyang mahusay na pag-arte, kaya naman matapos ang nasabing proyekto ay naging sunod sunod na rin kanyang mga kinabibilangang proyekto, tulad ng ilang mga Korean film at drama.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Ilan sa mga pelikula kung saan ay kabilang si Kal So Won, ay ang Legend of the Blue Sea (2016), kung saan ay gumanap siya bilang ang young version ng serenang karakter na si Se Hwa. Siya rin ay kabilang sa pelikulang A Korean Odyssey noong taong 2017.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Noong nakaraang taon naman ay tila nagkaroon ng “reunion” ang actor na si Ryu Sung Ryong at Kal So Won. Si Ryu Seung Ryong ay ang gumanap na ama ni Ye Sung’s sa pelikulang Miracle In Cell No. 7.
Photo Credit: sowon_kal/Instagram
Makikita nga sa Instagram account ng aktor ang naging pagbabahagi niya ng larawan nila ni So Won, kung saan ay makikita na dalaga na ang dating 7-taong gulang lamang na bata. Kalakip ng larawan ay ang caption na;



“Father-daughter reunion. So Won is eating a lot of beans and growing up healthy Jeju [Island].” Samantala, ngayon nga ay 14-taong gulang na si Kal So Won matapos nitong magdiwang ng kanyang kaarawan noong August 20,2020, at ayon sa ilang mga ulat ay aktibo pa rin siya sa kanyang career sa Korea showbiz industry.
Makikita naman sa mga larawan ni Kal So Won ngayon, na mula nga sa preschooler na batang babae na napanood natin noon sa pelikulang “Miracle in Cell No.7” ay isang taong magandang dalaga, na unti-unti na ngang namumukadkad upang maging isang mas mahusay pa na Korean actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *