Naalala Nyo Pa Ba Ang Dating Aktres Na Si Jennifer Sevilla Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Maituturing na isa sa mga malalaking bituin ng showbiz noong taong 90’s ang dating aktres na si Jennifer Sevilla. Si Jennifer Sevilla ay nagsimula sa industriya ng showbiz bilang isang child star. Matatandaan na napabilang rin siya sa mga mainstay ng “That’s Entertainment”.



Itinuturing rin na isa sa may pinakamagandang mukha noon sa showbiz si Jennifer Sevilla, kung saan ay mas lalo pa nga itong lumitaw ng siya ay dalaga na.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Sa kanya ng ang pagdadalaga, ay mas lalo pang dumami ang mga tv shows, programa at naging proyekto niya, kung saan ay mas pinatunayan niya pa ang kanilang husay bilang isang actress.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Ngunit sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera noon sa showbiz, ay bigla na lamang ngang naglaho sa kinang ng mga camera ang dating aktres. Dahil rito ay marami sa kanyang mga naging tagahanga, ang nais malaman kung ano ba ang naging dahilan ng pagkalawa niya sa industriya ng showbiz.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Matatandaan na noong nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN o Channel 2 na makapanayam ang dating aktres, mga ilang taon na ang lumipas, ay ibinahagi nito, kung ano ng aba ang naging dahilan niya sap ag-alis sa showbiz, kung saan hanggang ngayon ay ito ang kanyang pinag kaka-abalahan.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Ayon nga kay Jennifer Sevilla, nawala siya sa showbiz ng siya ay magdesisyon magpakasal sa kanyang asawang si Seymour Go noong buwan ng Nobyembre taong 2007. Matapos ang kanyang naging pagpapakasal, hindi nagtagal ay nagbubuntis si Jennifer sa kanilang unang anak na si Simon Rafa.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
“I really decided to put [showbiz on hold] munaand be a full-time mother and at the same time to take care of our businesses,” naging saad noon ng dating aktres.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Para rin sa aktres, ay mas ine-enjoy niya muna ang pagiging isang mommy sa kanyang anak, lalo na ang pag-aalaga niya dito dahil batid niya na sandaling panahon lamang ito maging bata.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
“I’m cherishing and savoring as much as I can every moment with him, because it’s very fast lang na lalaki na siya.” Para nga kay Jennifer, sa kabila ng pagkawala niya sa showbiz, ay batid niya na anumang oras niya gustuhin na bumalik sa pagiging isang aktres ay ginagawa niya.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Ibinahagi rin nito na name-miss rin niya ang pag-arte sa telebisyon. Sa katunayan, ay mayroon siyang natatanggap na offer mula sa iba’t ibang TV station, ngunit ayon sa kanya ay saka pa lamang siya tatanggap ng proyekto kapag naka luwag-luwag na sa kanyang mga gawain bilang isang mommy at sympre tagapamahala ng kanilang negosyo.



Sa ngayon nga ay abala si Jennifer Sevilla sa kanyang pamilya at sa pamamalakad ng kanyang negosyo na hairpiece business, kung saan ay marami sa kanyang mga customer ay mga kaibigang artista sa showbiz.
Photo Credit: jen_sevilla/Instagram
Ayon pa nga kay Jennifer Sevilla, ang huling pelikula na kanyang ginawa ay ang “Kung Ako na Lang Sana”, na pinagbibidahan ni Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Mayroon rin umano siyang ginawang pelikula sa Gawad Kalinga, kung saan ay iyong indie film at kasama niya sa pelikulang ito si Diamond Star Maricel Soriano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *