Naalala Nyo Pa Ba Ang Dating Child Star Na Si Rhed Bustamante Heto Na Pala Ang Nangyari Sa Kanya

Sa totoong buhay, ay tunay nga naman na masasabi natin na hindi lahat ng bagay na mayroon tayo ay magiging permanente sa ating mga buhay, dahil ang totoo ang lahat ng ito ay maaaring mawala sa atin.



May kasabihan pa nga tayo na, “strike while the iron is hot”, lalo na kung ito ay tungkol sa karera na iyong tinatahak.
Image Credit via Google
Para nga sa dating child star, ay tila isang gulong na umikot pababa ang kanyang buhay, ito ay matapos ngang ang karera niya sa showbiz ay unti unting humina hanggang sa tuluyan na nga siyang mawala sa industriya.
Image Credit via Google
Matatandaan na noon ay maituturing na isa sa mga sikat at popular na childstar si Rhed at ilan nga sa mga proyektong kanyang kinabibilangan ay ang Flor De Liza ng ABS-CBN at ang Endlesslove ng GMA-7.
Image Credit via Google
Ilan pa nga sa ibang pelikula kung saan siya napanood ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin, Seklusyon at ang Maria, Leonor, Teresa.
Image Credit via Google
Nakilala nga rin si Rhed Bustamante noon bilang the best child bida-kontrabida, dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte. At ang serye ngang Flor De Liza, ang mas lalo pang nagpatingkad noon sa kanyang karera sa industriya.
Image Credit via Google
Nakatanggap rin noon ang batang aktres ng special jury price, sa ginanap noong 2016 na Metro Manila Film festival.
Image Credit via Google
Dahil sa kabi-kabila nga niyang mga proyekto noon, ay inakala ni Rhed na magtutuloy-tuloy na ang maganda niyang karera sa industriya.
Sa isang panayam ng Rated K, sa noo ay sikat na child star ay sinabi ng nito na;
“Akala ko po pag nag-artista ka, maraming mag-offer sayo, pero hindi po pala ganun.”
Ibinahagi rin ni Rhed, na umaasa pa rin siya na makakabalik siya sa pagiging isang artista, dahil nais niyang matulungan ang kanyang pamilya at nais niyang muli silang makaon sa kahirapan.
Sa interview di niyang ito, ay ikinuwento ni Rhed na dahil sa pagkawala niya sa showbiz, ay naghihirap sila at nagawa na nga nila ang maghanap ng bagong tirahan dahil sa hindi na nila kayang bayaran ang upa sa dati nilang tirahan.
Marami namang ang mga tagahanga ni Rhed ang nalungkot sa pangyayaring ito sa buhay ng batang aktres, akya naman ang hiling ng mga ito ay matulungan muli si Rhed na makabalik sa showbiz dahil sa may galing at talent naman talaga ito.



Dahil nga sa interview na ito, ay napansin si Rhed ng aktor na si Coco Martin, na agad siyang tinulungan sa pamamagitan ng muli niyang pagbabalik telebisyon at ito ay ang mapabilang siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa batang edad nga ni Rhed, na nasa Grade 6 at 11-taong gulang pa lamang ay marami na siyang natutunan, dahil sa mga pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *