Naalala Nyo Pa Ba Ang Dating Matinik At Magaling Na Kontrabida Noon Na Si Dindo Arroyo Ito Na Pala Ang Kanyang Buhay Ngayon

Marami ng mga baguhang aktor at aktres ang namamayagpag ang karera ngayon sa mundo n showbiz, ngunit sa kabila nito, hindi pa rin natin nakakalimutan ang mga batikang artista noon na atin hinangaan at inidolo, maging mga bida o kontrabida star man ang mga ito sa isang pelikula.




Isa nga sa mga batikang artista na nakilala at sumikat noon ay ang kontrabida star na si Dindo Arroyo. Siya ay hinangaan at un idolo ng masa dahil sa pagiging isa niyang mahusay na kontrabida kung saan bawat karaktek nga na binibigyan niyang buhay sa isang serye o pelikula ay talaga namang ginagampanan niya ng mahusay kaya naman marami sa mga manonood ang nadadala Ang emosyon at kinaiinisan ang kanyang karakter.

Photo Credit: therealdindoarroyo/Instagram

Ang karera ni Dindo Arroyo ay nagsimula ng siya ay nadiskubre ng mahusay at beteranong aktor na si Philip Salvador, at ito nga ang tumulong sa kanya na makapasok sa mundo ng showbiz.

Photo Credit: therealdindoarroyo/Instagram

Nang pasukin ni Dindo ang pag-aartista ay isa siyang engineering student, at siya ay tumatayong assistant ni ng aktor na si Eddie Garcia, na isa nga sa mga tinitingala at hinahangaang artista sa mundo ng showbiz, sa pelikula nito noong taong 1990 na may titulong “Ikasa Mo, Ipuputok Ko.”

Photo Credit: therealdindoarroyo/Instagram

Nabigyan ng pagkakataon si Dindo Arroyo na makasama at makatrabaho ang lima sa pinakamahusay na aktor pagdating sa aksyon ng siya nga ay makataan ng galing sa pag-arte. Nakatrabaho nga niya ang tinaguriang “Magic 5’ na kinabibilangan ni Fernando Poe Jr., Philip Salvador, Lito Lapid, Rudy Fernandez at Bong Revilla.

Photo Credit: therealdindoarroyo/Instagram

Sa kabila ng pagiging kilala bilang isang mahusay na kontrabida, ay nabigyang din si Dindo ng pagkakataon na maipakita ang kanyang galing pagdating sa drama. Nagkaroon nga siya ng isang pelikula kung saan ay kanyang ginampanan ang pagiging isang ama na winakasan ang buhay ng sarili niyang anak.

Samantala, kahit napakaganda ng takbo ng karera ni Dindo ay mas pinili niyang iwan ang mundo ng showbiz, dahil sa kagustuhan niyang mamuhay ng simple kasama ang kanyang pamilya. Isang pagsubok naman ang dumaan sa kanyang buhay, at ito nga ay nang makataan siya ng doktor ng malubhang karamdaman sa atay, ngunit sa kabutihang palad ay ginagawa ang operasyon sa kanya at taong 2014 nga ay tuluyan siyan gumaling.




Kasalukuyang namumuhay si Dindo ngayon kasama ang kanyang anim na anak, ito ay matapos ngang yumao ng kanyang asawa noong taong 2009. Matatandaan naman na muling naipakita ni Dindo ang kanyang husay at galing bilang isang aktor ng muli siyan mabigyan ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon at ito nga ay sa longest running time show ng Kapamilya network na FPJ’s Ang Probinsyano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *