Naalala Nyo Pa Ba Ang Kinagigiliwang Kambal Na Anak Ni Lumen Noon Sa Advertisement Na Surf

Natatandaan nyo pa ba ang kambal na bata na napapanood natin noon sa patalastas ng “Surf”? Sila nga ay talaga namang kinagigiliwan ng maraming mga manonood dahil sa kanilang naging kantutan at kababaihan sa nasabing patalastas, na tumagal rin nga ng mahabang panahon sa pag-ere sa telebisyon.




Ang tinaguriang na nating Lumen’s twin, sa totoong buhay ang kambal na sina Charlotte Andrea at Charice Andrea Hermoso, kung saan ay 7-taong gulang lamang sila noong una silang masilayan sa nasabing patalastas sa telebisyon. Dalawang taon ring umarangkada sa kasikatan ang kambal dahil sa Surf.

Image Credit via Google

Samantala, marami nga atin ang nagtaka kung bakit bigla na lamang nawala sa harap ng camera ang kambal, at ito nga ay dahil sa mas gusto ng mga ito na bigyang pokus ang kanilang pag-aaral.

Image Credit via Google

Matagal na panahon na nga ng huli nating makita ang tinaguriang ‘Lumens Twins’, at mula nga sa 7-taong gulang na mga bata na nasilayan natin noon sa ating mga telebisyon, ay makikita nga natin sa kambal ngayon na ang mga ito’y ganap ng dalaga.

Image Credit via Google

Ngayon ngang mga dalaga na ang kambal, ay unti-unti na rin silang nagpaparamdam ng kanilang pagbabalik sa harap ng kamera. Nasilayan nga silang muli sa telebisyon ng mapabilang sila palabas noon na ‘Inday Will Always Love You’, bilang bestfriend nga ng aktres na si Kim Rodriguez.

Image Credit via Google

Sa naging panayam naman noon sa kambal, ay inamin ni Charlotte na mas mahirap ang ginampanan nila ng karakter sa nasabing palabas, kaysa sa karakter nila noon sa Surf bilang ang kambal ni Lumen.

Image Credit via Google

“Kasi po last time, mga events lang po kami. Kapag events lang po, photos lang, taking pictures. Ngayon po kailangan alam mo yung ginagawa mo. As in dapat may knowledge ka hindi porket yung role mo, eto lang dapat alam mo yung buong istorya kasi part ka rin”, ang naging paliwanag nga ni Charlotte.

Image Credit via Google




Dagdag naman na saad ng kambal nitong si Charice,”Hindi mahalaga kung maliit ka man dun sa role na yon o malki, part ka pa rin non.”

Ibinahagi rin naman ng kambal, na sa ngayon ay ang kanilang pag-aaral muna talaga ang priyoridad nilang dalawa. Ito ay dahil sa ipinangako nila sa kanilang mga magulang na mas top priority pa rin nila ang kanilang pag-aaral, bago pa man nga nila tuluyang pasukin ang mundo ng pag-aartista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *