Naalala Nyo Pa Ba Ang Papaya Queen Sa Showbiz Noong 90’s Na Si Aya Medel

Taong 90’s ng makikilala sa showbiz si Aya Medel, isa siya sa pinakasikat na sexy actress noon at mas kilala pa siya ng marami sa bansag sa kanyang “Papaya Queen”. Matagal ng wala sa industriya ng showbiz ang dating sexy actress kaya marami ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya ngayon at anong buhay na ang meron siya.




Sa isang interview kay Aya Medel sa ‘Inside Bicol’,ay muli niyang inalala kung paano siya nagsimula sa showbiz bilang isang sexy actress sa edad niyang 14-taong gulang.

Image Credit via Google

Nagsimula ang lahat ng madiskubre siya ng isang talent coordinator/scout at tanungin siya nito kung nais niyang maging isang modelo, matapos niyang tanghalin bilang 1st runner-up sa Mutya ng Tabaco na ginanap sa Tabaco, Albay.

Image Credit via Google

Ang kauna-unahang pelikula na ginawa niya ay ang “Totoy Mola”, at nakasama niya rito ang aktor na si Jay Manalo ngunit ang pinaka-unang shot movie niya ay ang “Asong Ulol” kung saan ay gumanap siya bilang ate ni Ian Veneracion sa pelikulang ito.

Image Credit via Google

Dahil sa kanyang pagpapakita ng angking galing sa pag-arte bilang isang sexy actress, ay nag tuloy-tuloy ang magandang karera kay Aya.

Image Credit via Google

Umabot sa halos 58 na pelikula ang kanyang nagawa, at ilan nga sa mga ito na talagang sumikat ay ang ‘Molata’, ‘Babae sa Bubungang Lata’, at ‘Padre Kalibre’ na ang naging kapareha niya ay ang beteranong aktor at yumao ng si Eddie Garcia.

Image Credit via Google

Mas hinahangaan pa nga sa kanyang pag-arte si Aya, ng gawin niya ang pelikulang “Sisa” kung saan ay pinuri ang kanyang talento sa pag-arte ng ilang movie critics. Naging kapareha niya sa pelikulang ito ay si Gardo Versoza, at si Mario O’Hara naman ang direktor nito.

Image Credit via Google

 

Nagkaroon din ng pagkakataon si Aya na maging parte ng ilang foreign films, tulad ng “Naked Nights”, “Love and Desire”, “Troublesome Nights” (a comedy film show in Hong Kong) at ang “Total Aikido” (a film shown in Japan).

Image Credit via Google

Naging parte din si Aya ng mga TV series tulad ng “Daisy Siete”, at minsan ay nagiging guest din siya sa variety show na “Eat Bulaga” sa GMA Network.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Aya na hindi siya nakapagtapos ng highschool dahil sa maaga siyang napasubo sa trabaho bilang actress. Kaya naman ng magbalik siya sa pag-aaral kinailangan niyang kumuha sa DEPED ng acceleration exam.

Image Credit via Google

Matapos nga ang naging exam niya sa DEPED, siya ay nag-aral ng culinary studies sa pagtuturo ni Gene Gonzales, ito ay upang paghahanda niya sakaling umalis siya sa showbiz.

Sa ngayon, ang dating sexy star ay nagmamay-ari na ng isang Japanese-Filipino restaurant, ang IshiAya Garden Bistro located in Tabaco, Albay. Ngunit bago pa siya naging isang restaurant owner ay nagtrabaho muna si Aya bilang isang sous chef sa Intercontinental Tokyo.

Maliban pa nga sa pagmamay-ari niyang IsiAya Garden Bistro, ay muling nagbukas sa Ligazpi ng food business si Aya.

Hindi nga lang isang businesswoman si Aya ngayon, sapagkat isa na rin siya mommy sa kanyang dalawang anak na sina Shania Ishi at Simon Grey. Ang kanyang panganay na anak na babae ay mag-15 taong gulang na sa Mayo, at mag-2 taong gulang na ang kanyang baby boy sa Pebrero.

Isa sa mga anak ni Aya ay bunga ng vitro vertilization, at ito ay ang bunso niyang si Grey samantalang bunga naman ng pagpapakasal niya sa isang Japanese businessman na si Yoji Hayakawa ang panganay niyang anak na si Ishi.

Labing-dalawang taong nagsama bilang mag-asawa si Aya at ang kanyang former husband bago sila nagdivorced, ngunit kahit hiwalay na ay nanatili naman ang maayos nilang pagkakaibigan para sa kanilang mga anak..

Ayon pa nga kay Aya ay madalas pa silang nagkikita ng dating asawang si Yoji, kapag siya ay bumibisita sa Japan. Bilang ina naman, para sa kanya ang kanyang dalawang anak ang kanyang greatest achievement sa kanyang buhay.




“Having children is my greatest achievement. It was my savior. It switched my focus from the outside to the inside. My children are gifts; they remind me of what’s important.”

Isa na ring Health Advocate at Community helper ngayon ang dating sexy star.
Makikita naman sa larawan ni Aya na kuha noong 2017, sa isa nilang family trip na hindi pa rin kumukupas ang kasexyhan at kagandahan ng dating sexy actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *