Naalala Nyo Pa Ba Dating PBB Housemates Na Si Alec Dungo Akalain Niyong Isang Ganap Na Doktor

Natatandaan nyo pa ba si Alec Dungo? Isa sa mga naging housemate’s noon ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, at itinanghal bilang 6th placer ng programa.



Ang kambal na sina Joj and Jai, Roy, Karen at ang itinanghal na Big Winner ng kanilang batch na si Myrtle Sarrosa, ang ilan sa kanyang mga kasama sa loob ng PBB house.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Kung ating natatandaan, bago pa man pumasok sa PBB si Alec at makilala bilang isa sa mga housemates nito ay minsan na pala siyang lumabas sa telebisyon noon at ito ay noong taong 1991 kung saan ay naging bahagi siya ng isa sa mga episodes ng “Maalaala Mo kaya”. Naging bahagi din siya ng pelikulang “Just The Way You Are”, noong taong 2015.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Halos pitong-taon na rin ang lumipas ng maging bahagi ang binata ng Pinoy Big Brother, at sa paglipas ng ilang mga taon ay may panibagong milestone na pala itong tinatahak ngayon at ito ay ang naging pagtupad niya sa kanyang pangarap noon pa mang siya ay bata pa.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Matapos nga ang nangyaring pagka-evict sa PBB ni Alec Dungo sa kanilang ika-83 araw sa loob ng Bahay ni Kuya ay tila umayon naman ang lahat sa binata dahil sa ngayon ay isa sa pinapangarap niya noong bata pa siya ang natupad na, at ito nga ay ang maging isang Doctor.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Sa kanyang sa kanyang social media account, ay masayang ibinahagi ng dating PBB housemates na ang kanyang “Childhood Dream na to become a Doctor someday”, ay isa ng reality ngayon.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Makikita sa social media account ni Alec, ang naging pagbabahagi niya ng panibagong karera na tatahakin niya ngayon sa kanyang buhay.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
“Today, my childhood dream turned into reality. Today, I became a doctor,” saad ng binata isa niyang post kung saan ay kalakip nito ang mga larawan na makikita ang isa na nga siyang ganap na doctor.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Si Alec Dungo ay nakapagtapos ng Cum Laude sa Unibersidad ng Santo Tomas, at hindi ito magiging posible kung wala ang mga taong gumabay at sumuporta sa kanya.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Kaya naman malaki ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang na walang sawang suporta sa kanya hanggang sa maabot niya ang kanyang pangarap.



“To my family, I offer this humbling achievement to you. You are my inspiration. Thank you for helping me to become the best version of myself, always.” “I share this accomplishment with my Duṅgo at Chai Family, my relatives, and my friends who have always believe in me”, saad nga ng binata sa kanyang post.
Photo Credit: alecdungo/Instagram
Maging ang kanyang mga naging propesor, ka-eskwela at staff ng University’s Faculty of Medicine and Surgery ng naturang paaralan na kanyang pinag tapusan ng pag-aaral, ay hindi kinalimutang pasalamatan ng binata, dahil ayon sa kanya ay malaki ang naging parte ng mga ito sa kanyang naging journey sa pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *