Naalala Nyo Pa Ba Si Chubi Del Rosario Ang Dating Ka-love Team Ni Anne Curtis Noong Dekada 90

Natatandaan nyo pa ba ang dating ka-loveteam ng aktres na si Anne Curtis? Siya si Chubi Del Rosario. Ngunit hindi katulad ni Anne na piniling ipagpatuloy ang pag-aartista, mas pinili naman ni Chubi na iwan ang mundo ng showbiz upang mamuhay na lamang ng simple at tahimik.




Matatandaan na ang dating Heartthrob na si Chubi Del Rosario ay nagkaroon ng napakaraming tagahanga dahil sa kanyang karisma noong 90’s. Lalo pa siyang sumikat nang itambal siya sa kapwa teen artist na si Anne Curtis.

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Ang kanilang tambalan ay pumatok sa publiko na talagang kinakiligan ng marami kaya naman maraming pelikula ang kanilang pinagsamahan kagaya na lamang ng T. G.I .S.

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Ikaw Lamang, Anna Karenina, Ikaw na Sana, at Honey My Love So Sweet.Ngunit ang tinatamasa ng kasikatan ng dating aktor ay unti-unting naglaho kaya naman napagpasyahan niyang lisanin nang tuluyan ang industriya ng showbiz.Ngunit nasaan na kaya ang dating aktor?

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Taong 2016 ng muling umugong ang pangalan ni Chubi sa kanyang mga tagahanga nang malaman ng mga ito na nagkaroon ng reunion kasama ang kanyang T.G.I.S Co Stars. Nakumpirma rin na namumuhay ito ng masaya at matagumpay na naman niyang ipinagpatuloy ang kanyang talento bilang artist sa kanyang Business Venture Party at Jive.

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Ginugugol niya ngayon ng maraming oras ang business niyang Group Catering Services sa iba’t ibang okasyon gaya ng Party at iba pa. Bagama’t abala sa kanyang negosyo, naglalaan pa rin siya ng oras upang makapaghost at makapag perform sa ilang mga events.

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Talaga namang tumatak sa puso ng mga tagahanga ang katauhan ni Chubi kung kaya’t hinahanap-hanap parin ng kanyang mga tagahanga ang mala-anghel niyang mukha, kislap ng kanyang mga mata at ang swabe nyang ngiti. Ang ilan nga sa kanila ay halos di makapaniwala na nilisan na talaga niya ang mundo ng showbiz.

Photo Credit: chubidelro/Instagram




Nananatili namang bukas sa publiko ang buhay ni Chubi, at ayon sa kanyang social media accounts ang dating aktor ay aktibo sa kanyang healthy lifestyle.

Photo Credit: chubidelro/Instagram

Tanging tadhana na lang talaga ang makapagsasabi kung iisipan pa bang balikan ng dating aktor ang iniwan niya ng industriya, dahil kahit taon na ang lumipas makikita pa rin sa kanya ang taglay na karisma at potensyal na siya namang hinahanap hanap ng kanyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *