Naalala Nyo Pa Ba Si Timothy Chan Dating Cute At Chubby Child Star Sa Goin’ Bulilit Noon

Naalala nyo pa ba si Timothy Chan? Ang dating child star noon sa Goin.’ Bulilit kung saan ay isa siya sa mga batang kinagigiliwan ng mga manonood dahil sa kanyang napaka-cute na chubby face.



Kung noon ay kina-aliwan ng marami sa atin si Timothy dahil sa kanyang cute chubby face, ngayon naman ay mas mapapamangha niya tayo sa kanyang pagiging isang gwapong binatilyo.
Image Credit via Google
Si Timothy Chan ay unang nagsimula sa industriya ng showbiz ng siya ay mapabilang sa kiddie gag’ show na Goin’ Bulilit na mapapanood sa Kapamilya Network. Ilan nga sa mga proyekto at seryeng kinabibilangan ni Timothy ay ang May Bukas Pa, La Vendetta, Obra, at ilang mga episode ng Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya. (MMK).
Image Credit via Google
Napabilang rin noon si Timothy sa pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo, kung saan ay gumanap siya bilang ang anak ng mga bida ng karakter na ginagampanan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Image Credit via Google
Noon ngang taong 2017 ay nagtamo ng karangalan ang dating child star ng manalo siya ng titulong Ever Kids Star at SM Little Star.
Image Credit via Google
Mapapansin natin na ngayon ay hindi na natin nasisilayan sa telebisyon si Timothy, at marami sa atin ang nais malaman kung kamusta na ito? At ano na nga kaya ang itsura nito.
Image Credit via Google
Muli ngang napamangha ni Timothy Chan ang kanyang mga tagahanga noon, matapos makita ng mga ito sa kanyang Instagram account ang hitsura nito ngayon, kung saan ay talaga namang isa na itong binatilyo na nagtataglay ng gwapong mukha.
Image Credit via Google
Kahit pa ng aba hindi na natin nakikita pa sa telebisyon si Timothy ay makikita natin sa mga larawan ng dating child actor na agaw pansin pa rin siya sa kanyang mga tagahanga dahil sa mas lalo pa siyang naging gwapo ngayon na siya ay binatilyo na.



Marahil ang mga kabataan noong 2000’s na nakilala siya ay iniidolo siya ay muling matutuwa kung muli nilang masisilayan ang dating batang aktor sa telebisyon.
Kung nais niyo pa ngang makita ang mga cute at stunning photos ni Timothy, ay bisitahin niyo lamang ang kanyang Instagram account at doon ay makikita niyo na kung gaano na ng aka-pogi ngayon ang dating child actor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *