Naalala Nyo Pa Ba Si Vanessa Del Bianco Ito Na Pala Ang Kanyang Naging Buhay Matapos Iwan Ang Showbiz

Natatandaan nyo pa ba si Vanessa del Bianco? Isa sa mga naging former contract star ng ABS-CBN noon, at naging guest star rin noon sa huge show na ‘Gimik’ taong 90’s, kung saan ay kilala siya bilang isa sa mga gumanap na kontrabida sa nasabing palabas.



Si Vanessa Del Bianco ay isang dating aktres ng ABS-CBN na may dugong banyaga, dahil siya’y isang Filipino-Italian at mapapansin ito sa kanyang pananalita dahil siya’y hindi masyadong marunong magsalita ng tagalog.
Image Credit via Google
Marami ang nakapansin noon ng angking ganda, kaseksihan at karisma na taglay ni Vanessa Del Bianco, at hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga aktres na talagang pinapantansya ng maraming mga kalalakihan noon.
Image Credit via Google
Matatandaan na napabilang rin si Vanessa Del Bianco sa show nina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago noon na “Magandang Tanghali Bayan.
Image Credit via Google
Dito nga niya nag trabaho si John Estrada, kung saan dahil sa araw-araw na sila’y nakakasama ay hindi maiiwasan na naging malapit sila sa isa’t isa. Nang mga panahong ito, si John Estrada ay kasal sa aktres na si Janice De Belen at mayroon na rin silang mga anak.
Image Credit via Google
Dahil sa naging madalas ang pagkikita nina Vanessa at John sa show, at talagang naging malapit si;a sa isa’t isa ay napa salita noon na tila may espesyal na namamagitan sa dalawa.
Image Credit via Google
Mas naging sentro pa nga ng usapan noon si Vanessa Del Bianco, at ang relasyon umano nito sa actor-host, matapos lumabas ang balita na naghiwalay ang mag-asawang John Estrada at Jane De Belen.
Image Credit via Google
Matatandaan pa nga na sumunod noon si John Estrada sa Canada, ng umuwi si Vanessa sa bansang kinalakihan nito.
Kahit marami na nga ang napapansin ng relasyon ng dalawa, ay wala pa ring pag-amin na nagmula sa kanila, hanggang bigla na lamang ngang i-anunsyo ni John Estrada sa telebisyon na silang dalawa ni Vanessa Del Bianco ay hiwalay na.
Dahil sa pangyayaring ito, ay maraming mga netizens at mga manonood nga ang nagbigay ng kanilang sari’t saring komento tungkol kay Vanessa, na ito umano ang naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Janice at John, kung saan ay naging dahilan rin ng pagkasira ng masayang pamilya ng mga ito.
Sa ngayon ay mayroon ng bagong pamilya si John Estrada,ito ay matapos niyang ikasal sa kanyang asawang si Priscilla Meirelles na isang Brazilian beauty queen, kung saan ay mayroon na rin silang anak.
Samantala, sa kabila ng naging paghihiwalay naman nina John at Janic, sa bandang huli ay naging magkaibigan ang dalawa, dahil ito ang mas makakabuti sa kanila, lalo na pagdating sa pagiging magulang nila sa kanilang mga anak.



Si Vanessa Del Bianco ay nagtatrabaho sa Mayfair Club bilang isang Sales Manager, at paminsan-minsan ay ginagawa pa rin niya ang kanyang mga modelling stints. Tahimik at pribado na itong naninirahan sa Canada ngayon, kung saan ay malayong malayo sa naging buhay niya sa showbiz na puno ng intriga at kontrobersiya.
https://www.youtube.com/watch?v=iAWxAblzBFs&feature=emb_logo
Paminsan-minsan ay bumisita pa rin si Vanessa Del Bianco sa Pilipinas, ngunit wala naman itong binubuksan usapan kung siya ba ay magbabalik showbiz o telebisyon.
Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *