Naalala Nyo Pa Ba Si Vanna Garcia Heto Na Pala Ang Buhay Niya Matapos Biglang Mawala Sa Showbiz

Isa sa mga sumisikat na bituin noong late 90’s hanggang early 2000’s ay ang dating aktres na si Vanna Garcia, ito ay matapos niyang mapabilang sa ikatlong batch ng Thank God It’s Sabado noong 1999 na isa sa mga youth oriented series ng kapuso Network.




Matapos ng proyekto niyang ito, ay nagbukas muli ang isang pinto sa dalaga, ito ay ng mapabilang siya sa isang proyekto ng GMA-7 na “Sana Ay Ikaw na Nga”, na isa namang hit drama series.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Lumipat si Vanna sa ABS-CBN network, at dito nga ay kabilang siya sa It Might Be You noong 2003 na pinagbibidahan ng loveteam na John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Nakasama rin siya sa seryeng Krystala noong 2004.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Maliban nga sa mga proyektong ito sa telebisyon, ay nagkaroon din ng pagkakataon ang dalaga na mapabilang sa isang malaking pelikula at ito ay ang “Lastikman: Unang Banat at Masamang Ugat” na produced ng Viva films.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Nang mga panahon ngang ito, na nag-umpisa na ang pag sikat bilang isang bituin sa industriya ni Vanna, sa kanyang edad na 20-taong gulang ay bigla namang umikot ang buhay niya patungo sa ibang direksyon.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Matatandaan na taong 2017, ng lumabas sa balita ang naging panganganak ni Vanna sa kanyang unang anak at kinumpirma nga ito ng aktres. Ang ama ng bata ay ang boyfriend noon ni Vanna, na ngayon ay kanyang asawa.

Photo Credit: vanna_garcia/Instagram

Nitong nakaraan nga lamang, ay nagkaroon ng isang panayam ang dating aktres, at dito nga ay muli biyang binalikan ang buhay niya noon lalo na ng malaman niya ang kanyang pagbubuntis.

“Finding out I was pregnant was a terrifying thing for me.”
“Yes, I was worried about my career then, and how people are going to accept being pregnant then a mother out of wedlock.”




“Since before it was something that was not as taken normal with our society then.”
Sa naging panayam na ito sa dating aktres, ay ibinahagi niya na, ng isilang niya ang kanyang unang anak ay mas naging prioridad na niya ang kanyang pamilya.

Nagbuntis nga muli ang dating aktres sa kanyang pangalawang anak, at noong ngang Oktubre taong 2015 ay nagpakasal na si Vanna sa isang intimate wedding sa kanyang asawa at kasabay nito ay ang pagbubuntis niyang muli sa kanyang bunsong anak na si Tyler.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *