Nadine Samonte Ibinahagi Ang Naging Buhay Matapos Niyang Mag-Asawa At Iwan Ang Showbiz

Kamusta na nga ba ang buhay ngayon ng dating aktres na si Nadine Samonte?
Ang dating aktres na si Nadine Samonte, ay isa sa pinaka-magagaling na aktres noong kanyang henerasyon. Isa rin siya sa maituturing na may pinakamagandang mukha na aktres sa industriya ng showbiz.



Sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera noon bilang isang actress, ay nagdesisyon si Nadine na iwan ang pag-aartista ng siya ay magdesisyon na magpakasal at bumuo na ng kanyang sariling pamilya.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Nang magsimulang bumuo ang aktres at ang kanyang naging asawa ng kanilang pamilya, ay doon pa mas lalong napatunayan ng aktres kung gaano siya katatag sa lahat ng bagay.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Ayon sa ilang mga ulat, hindi tulad sa ibang kaso ng pagbubuntis, ay naging mahirap para sa aktres ang pagbubuntis niya dahil sa ito ay naging delikado, hindi lang sa kanyang buhay kung hind imaging sa buhay ng sanggol na kanyang dinadala.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Nadine kung ano ang naging sitwasyon niya noong siya ay nagbubuntis, at kung bakit kailangan niyang uminom ng 54 pills at magkaroon ng 2 injections araw-araw.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Napag-alaman noong nagbubuntis ang aktres na siya ay mayroong APAS (Antiphospholipid Antibody Syndrome), isang autoimmune disorder na kung saan ay maaaring magkaroon ang kanyang katawan ng komplikasyon, tulad ng preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction at fetal loss.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
“It’s about my immune system na it’s super strong that anything comes inside my body like viruses, or anything, my body is killing it, kaya hirap ako mabuntis. Hindi po ako na-miscarriage kasi nga papasok pa lang siya, may body is killing it na. my category is 1,2 and 5,” saad nga ng dating aktres.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Laking pasasalamat ng dating aktres, na sa lahat ng naging paghihirap niya nung siya ay nagbubuntis ay laging nakaka-aalalay at nakasuporta sa kanya ang kanyang mapagmahal na asawa na si Richard Chua.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
At mas lalo pa ngang nagpasalamat si Nadine, ng maisilang niya ng maayos at malusog ang kanilang unang baby na isang baby girl.
Photo Credit: nadinesamonte/Instagram
Pagpapatuloy nga ni Nadine, maging sa pagbubuntis niya sa kanyang pangalawang anak, ay ganoon muli ang kanyang pinagdaanan. Kailangan niya muli uminom ng 30 pills araw-araw, at isang injection din sa isang araw.
Hindi nga naman naging madali ang pinagdaanan ng dating aktres, sa pagkakaroon ng anak. Ngunit sa kabila nito, ay masaya ang dating aktres, dahil nakita niya na lahat ng pagsasakripisyo niya sa kanyang pagbubuntis noon ay “worth it” sapagkat malaki na ang kanyang mga anak at malusog ang mga ito.



Samantala, tila wala na rin umanong plano pa na magdagdag ng anak pa ang mag-asawa, dahil sa masaya na sila ngayon sa pagkakaroon nila ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki.
Makikita naman sa mga larawan ni Nadine, na masaya ito sa buhay nito ngayon kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *