Nagkunwaring Mga Bulag Sina Dennis Trillo At Jennylyn Mercado Sa LRT 1

Bilang ang ating teknolohiya ay naging mas malago kumpara noong unang panahon, lumago na rin ang ating paraan ng paghahanap buhay. Kung noong una ay ginagamit natin ang teknolohiya para sa mga importanteng bagay lamang, ngayon ay ginagamit na natin ito para magbahagi ng mga nangyayari sa ating buhay. Halos lahat ng tao sa mundo ay marunong nang gumamit ng internet at ng mga gadgets. Kaya naman, ginamit rin ito ng mga kompanya bilang isang oportunidad kung saan dito nila maaaring iendorso ang kanilang mga produkto.

Photo Credit: Jenden/YouTube




At dahil sa bayad ng mga kompanya sa mga social media sites at apps, dito nababayaran ang mga developers at mga vloggers. Ang pagba-vlog ay isang paraan ng pagbabahagi ng mga nangyayari sa iyong buhay sa pamamagitan ng video. Karaniwan ang makikita sa YouTube, magmula sa mga simpleng tao hanggang sa mga artist. Ito na ang pinagmumulan ng kita ng maraming tao dahil sa mga views ng kanilang mga vlog.

Photo Credit: Jenden/YouTube

Para maging kaaya-aya ang content ng kanilang mga vlog, kailangan nilang gumawa ng challenges, o hindi kaya’y humingi ng suhestiyon sa kanilang mga viewers. Ito ang ilan sa mga paraan para mas tutukan ka rin ng mga netizens na mahilig manood sa YouTube. At nitong nakaraan nga lamang, nag trending ang video na ginawa ng magkasintahan Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Photo Credit: Jenden/YouTube

Sa simula ng vlog ni Jennylyn na pinamagatang “Jen Survives LRT1 in disguise,” binasa nito ang mga comments at suhestiyon ng kanyang mga manonood kung ano ang maaaring gawin para sa kanilang video. Sa lahat ng mga suhestiyon, napili nila ang suhestiyon ng isang netizen na mag-disguise sila habang kumakanta sa pampublikong lugar. At ito na nga ang kanilang ginawa.

Photo Credit: Jenden/YouTube

Tumungo sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa LRT Roosevelt station at nagkunwaring mga bulag na manana wit. Sila ang kunwaring papalit sa naunang mga bulag na mananawit. Sa unang bahagi ng kanilang pagkanta, tila walang pumapansin sa kanila ngunit nang habang tumatagal ay nagkumupal ang mga tao.

Ilan sa kanilang mga kinanta ay ang mga kantang pang masa na mula sa OPM. Kasama rito ang kanta ni Jennylyn na “Kahit Sandali.” Sa huling bahagi, tinanong ni Jennylyn ang mga tao kung gusto pa raw ba nila ng isa pa na siya naman nilang sinang ayunan. Dito na ibinulgar ni Jennylyn at Dennis ang kanilang mga mukha na nagresulta sa hiyawan at mangha ng mga tao.

Video Credit: dennis trillo and jennylyn mercado/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *