Nagpadala Ang Kanyang Asawa Pekeng Litrato Ng Ultrasound Na Nakuha Niya Lang Sa Internet

Masaya magkaroon ng asawa na makakasama mo hanggang sa iyong pagtanda. Pero syempre, bago ka bumuo ng pamilya, kinakailangan mo munang siguraduhin mong buhayin ang iyong mag-anak lalo na kapag ikaw ang padre de pamilya. At dahil mahirap ang buhay dito sa Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang kinakailangang mangibang bansa upang mabigyan ng mas magandang buhay ang aking pamilya dito sa Pilipinas. Bagama’t nakakalungkot, kinakailangan natin itong tiisin para sa kanila.


Image courtesy Raffy Tulfo in Action and YouTube




Pero syempre, mahirap din ang isang “LDR” o “Long Distance Relationship” dahil malayo ka sa iyong asawa. Dito karaniwang nasusubok ang ating tiwala at ang tatag at tibay ng ating relasyon. May mga relasyong nakakainis ang ganitong uri ng relasyon, at may ibang sumusuko. Masakit ito sa bahagi ng isang OFW dahil kailangan niyang damdamin ang sakit na dulot ng paghihiwalay kasama ang lungkot at pangungulila sa Pilipinas.


Image courtesy Raffy Tulfo in Action and YouTube

At ito nga ang nangyari sa ating kababayan mula sa Qatar na si Melchor Bañez. Si Melchor ay isang 24-taong-gulang na OFW na nagtatrabaho sa Qatar bilang isang OFW. Ang asawa naman na si Germaine ay nasa Pilipinas. Pinadalhan ni Germaine si Melchor ng mga litrato umano ng kanyang ultrasound na siya namang ikinatuwa ni Melchor sa pag-aakala na magkakaroon na sila ng anak.


Image courtesy Raffy Tulfo in Action and YouTube

Ngunit nalaman ni Melchor na ang mga litrato palang iyon ay galing sa social media at hindi mismo sa kanyang asawa. Laking pagtataka rin ni Melchor dahil palagi raw nagpapadala ng litrato si Germaine ng kanyang pagbubuntis. Ngunit isang balita ang bumulaga kay Melchor; hindi pala sa kanya ang sanggol na dinadala ni Germaine kundi sa boyfriend nito sa Pilipinas na si Jabel Nuñeza, Jr. Sa katunayan, makikita sa social media account ni Jabel ang mga litrato nila ni Germaine habang buntis ito.


Image courtesy Raffy Tulfo in Action and YouTube

Dahil dito, napilitang umuwi si Melchor kahit hindi pa tapos ang kaniyang kontrata para lamang maliwanag sa nangyari sa kanilang relasyon ni Germaine. Ang masama pa dito, hindi siya sinipot ni Germaine pagdating niya sa Pilipinas kung kaya’t pumunta siya sa opisina at programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong tungkol sa kaniyang suliranin.


Image courtesy Raffy Tulfo in Action and YouTube

Gusto lamang ni Melchor na ibenta ang bahay na kanilang ipinundar upang mahati ang kikitain dito at makapag simula siya ng bagong buhay. Balak na rin niyang mag-file ng annulment ng kanilang kasal. Mahirap ang LDR lalo na’t hindi marunong makuntento ang isang tao.

Video credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *