Nagsalita Na Ang Magkasintahang Kim Molina At Jerald Napoles Sa Akusasyong Paglipat Umano Nila Ng Network

Si Kim Molina ay kilala bilang isang Kapamilya Actress ng ABS-CBN Network, kaya naman laking pagtataka ng maraming netizens ng mapanood ang dalaga sa GMA-7, noong nakaraang linggo.



Agad na sinagot ng magkasintahan Kim Molina at Jerald Napoles ang akusasyon sa kanila ng ilang mga kritikong manunulat, na di umano’y sa “Paglipat” ng dalawa ng TV Network.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
Batid ng marami sa atin na ang 29-taong gulang na si Kim Molina ay maraming mga proyektong kinabilangan sa ABS-CBN tulad ng “Kadena Ng Ginto” kung saan ay gumanap siya bilang si ‘Savannah’, ngunit kamakailan nga lamang ay nagulat at nagtaka ang marami ng makita itong nag-guest sa Eat Bulaga GMA-7.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
Samantalang ang nobyo naman nitong si Jerald Napoles na mas kilala bilang Kapuso actor, ay huling napanood sa primetime series ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano”.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
Noon ngang July 10, araw n Biyernes ay nanonood ng marami sa atin ang singer actress na si Kim Molina na nag-guest sa “Bawal Judgemental” segment ng Eat Bulaga, at matapos nga nito ay isang netizens nag agad nagbitiw ng panunumbat sa twitter kay Kim dahil sa di umano’y paglipat nito ng network.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
Nagkataon pa nga na ng araw na mag-guest si Kim sa Eat Bulaga “Bawal Judgemental” segment ay ito rin ang araw na ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal appeal ng ABS-CBn.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
Kung titingnan namn ay tila binura na ang naturang mensahe ng panunumbat ng netizens dahil sa hindi na ito makita pa, ngunit batay sa naging kasagutan ng 29-taong gulang na singer actress ay tila inakusahan siya na lumipat siya sa kabilang network at iniwan ang ABS-CBN kung saan siya nakilala.
Photo Credit: iamjnapoles/Instagram
KIM MOLINA: “WALANG LIPATAN NA NANGYARI”
Mariin ngunit mahinahon nga ang naging kasagutan ni Kim sa nagkomento na lumipat siya ng network.
“FYI po walang lipatang nangyari dahil una sa lahat wala po akong kontrata sa NETWORKS.”
“Wag padalos dalos sa salita.”



“Alam ko po kung saan ako nanggaling at AKO PA RIN AY PANININDIGAN PARA SA AKING MGA KAPAMILYA.” “Wag ako. #yestoABSCBNFranchiseRenewal
Ito nga ang naging kasagutan ng #Jowable actress para sa mga taong inaakusahan siya ng paglilipat ng networks at pang iiwan sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *