Nagulat Ang Mga Netizens Ng Malamang Unfollow Nina Heaven Peralejo At Jimuel Pacquiao Ang Isa’t-Isa

Malaki na ang pagkakaiba ng panahon natin sa ngayon kumpara sa noon. Kakaiba ang paraan ng pagmamahalan ng dalawang magkasintahan noon. May mga harana, liham, at pagdalaw sa bahay upang hingin ang bendisyon ng mga magulang ng dalagang nililigawan. Sa tuwing nagkakaroon ng tampuhan ang magkasintahan noon, walang pansinan at kibuan sa paaralan o sa daan kapag magkaka salubungan. Kasalungat nang dating nakagawiang pamamaraan ng pagmamahal at lambingan, madali na lamang ang ligawan ngayon dahil sa modernong teknolohiya.

 


Photo Credit: Google




Karamihan ngayon sa mga naging mag kasintahan ay nagkakilala sa social media. Dahil sa pagbabago at pag-unlad ng ating teknolohiya, marami na sa atin ang may kakayahang gumamit ng cellphone at sa katunayan nga’y ito na ang palagi nating hawak. Ito na rin ang palagi nating ginagamit sa halos lahat ng bagay. Dito tayo karaniwang makasagap ng mga balita tungkol sa mga iniidolo nating mga artista at sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.


Photo Credit: Google

Nitong nakaraan lamang ay gumawa ng ingay sa social media ang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel, ilang linggo bago ang kaniyang naging matagumpay na laban laban sa boksingerong si Thurman. Marso nitong taon nang aminin ni Jimuel na kasintahan niya ang isang dalagang nagngangalang Heaven Peralejo. Marami ang nagulat at marami rin ang natuwa lalo na ang parehong taga-suporta nina Jimuel at Heaven dahil kapwa sikat ang dalawa sa social media.

Sa Instagram karaniwang nagpopost ang magkasintahan at dito na rin sila sinusubaybayan ng kanilang mga fans. Pero nito lamang ay laking gulat ng kanilang mga taga-suporta nang makita ng kanilang mga taga-suporta na in-unfollow nila ang isa’t-isa. Marami ang nagtaka dahil nang i-check nila ang Instagram profile ng dalawa, talaga ngang naka-unfollow ang isa’t-isa. Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nangyari ito. Hindi rin maiwasan ang kani-kanilang mga tagahanga na gumawa ng haka-haka tungkol sa pag-aaway diumano ng dalawa dahilan upang mangyari ito.
Nagkakalabuan?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *